UPO
(July
23, 2013-Martes - Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
host
ay si Ms. Lucy Duce.
Upo, ang tawag ng Iranun ay Labu ganoon din ang Teduray |
LUCY: Nayong umaga ay Gulay pa rin ang ibabahagi ni Kaka Alih,
subalit sinigorado niya sa iyo Kaibigan,
na gulay naman na pampalakas,
na nagbibigay sigla sa ating mga magsasaka.
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka
Alih, kumusta na ang iyong umaga?
ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba.. eh di
gulay pa rin tayo, este its fine,
nag-gugulay na rin ako (PLAY LAUGHING)
but kaibigan please huwag mata-matain ang gulay, ano mang ay pampapalakas dahil
ay maraming sustansiya!!!
LUCY: at huwag kalimutan ang payo ni Doc Willie na
kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw kong gusto mong humaba
ang iyong buhay.
ALIH: Tama! But
before anything else Lucy eh, allow me
to greet everybody, with
sweet “Good morning, ladies and gentlemen” in Filipino ay… magandang umaga mga
kababayan ko… of course most .especially to all mga
kapatid na magsasaka. And because it sis
month of Ramadan ang buwan ng pagpuwasa o pag-aayunong mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o ang
mga kapatid na Muslim, my greetings ng: asssallamu
alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
Ngayon ay ika labing limang (15)
araw ng
Ramadan, ang buwan ng pag-pupuwasa o
pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim, and
because of that ay Happy Ramadan to all
brothers and sisters in Islam.
LUCY: Ang akin ding
pagbati ng "happy Ramadan" sa inyo Kaka at sa
lahat ng kapatid na Muslim.
ALIH: Maraming
salamat muli Kapatid na Lucy.
Buweno tulad ng nasabi
natin, pampalakas at pampalusog na gulay ang ibabahagi ko ngayong umaga, …tantaraan!!!!
ang Upo.
Ang scientific name ng upo ay Lagenaria siceraria
at sa Ingles called is as calabash or other called it white squash
(putting kalabasa). Ang tawag dito ng Iranun at Teduray ay labu…
Ang Upo ay isang uri ng halamang baging o gumagapang
na may mga mahahaba at mapuputing bunga na kahugis ng batuta. Ang kinakain o
ginugulay ay ang bata pang bunga.
LUCY:
Masarap lutuin yan lalo kong ihahalo sa native na manok.
KAKA
ALIH: Lucy wag mo naman
akong paglawayin, maaga pa, saka na lang nating pag-usapan ang paano lutuin
ito, paglabas ko, pwqede mo ng ikuwento ang pagluluto,…LAUGHING)
Ang gulay na ito ay
mayaman sa carbohydrates. Ang buto nito ay maaaring mapagkunan ng langis na
panggamit sa buhok.
Napakadaling patubuin
ang Upo, may dalawang uri, ito ay ang
Indian club Shape at Round form.
Sa pagpili ng lupang
pagtataniman, ang upo ay nangangailangan ng lupang mabuhaghag at mayaman sa
organiko. Iwasang magtanim sa mga lugar
na may mataas na acidity, alkalinity o salinity. Malaki ang epekto ng hindi
magandang lupa sa produksyon ng babaeng bulaklak ng tanim.
Maaaring itanim ang upo
sa anumang uri ng klima. Gayunpaman, ang malakas na pag-ulan ay hindi
makabubuti sa tanim. Ang temperaturang kailangan ng upo ay 300 hanggang 350C.
Kapag ang temperatura ay masyadong mataas, mas maraming bulaklak na lalaki ang
mabubuo na nagdudulot ng mababang ani at kita. Para sa mas masaganang ani,
magtanim sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre o mula Mayo hanggang Hulyo.
Linisin, araruhin at
suyurin nang dalawang beses ang lupang tatamnan. Gumawa ng tudling na may
layong 3 metro at butas ng mga tudling na may layong 1 metro.
Ang upo ay maaaring
itanim nang direktang buto (direct seeded) o punla (transplanted). Ang
distansya ng pagtatanim ay 3 metro x 10 metro. Sa panahon ng tag-ulan, itanim
ito sa bandang ibabaw ng tudling at sa bandang ibaba naman ng tudling sa
panahon ng tag-araw. Maglagay ng dalawang buto sa bawat butas. Bunutin ang mga
payat na punla 7 araw pagkatapos umusbong. Magtira lamang ng isang tanim sa
bawat butas.
Magdamo 14 na araw pagkatapos
magtanim at magsablay o araruhin palabas ng puno isang buwan pagkatanim kapag
hindi naalip-ipan.
Maglagay ng abono o dumi
ng hayop upang mapakinabangan ng mga pananim ang mga sustansiya mula sa dumi ng
hayop. Makakatulong ang pagpapatubig dito.
Maaari nang anihin ang
bunga 50 hanggang 60 araw pagkatanim. Mainam na gumamit ng kutsilyo sa
pamimitas ng bunga upang mahiwa ang tangkay 5 sentimetro mula sa dulo ng bunga.
Sa pagluluto ng Upo ay
abangan sa buhay-buhay doon tayo magluluto.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga
kapakipakinabang na ibabahagi na tiyak naming na pakikinabangan nating lahat.
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento