Miyerkules, Hulyo 10, 2013

Pechay o Chinese Cabbage

Pechay o Chinese Cabbage

(July 11, 2013-Huwebes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce)

Petsay o pechay
LUCY: Mura at masustansiyang pagkain pa rin ang ibabahagi ni Kaka Alih.. Ang pechay o Chinese cabbage, ang gulay na pampalusog at pampalakas , at sigoradong di ka malulugi sa oras mo, buweno  heto na ang ating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka. How are today?

ALIH: Hahahaha..    Good morning Lucy, magandang umaga sa mga kapatid na magasaka, , sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.

Nasa pangalawang araw na tayo ng Ramadan.. Happy Ramadan sa Lahat.

LUCY:  Ay tama ka nga pala Kaka Alih,    muli naman kayong magpuwasa na mga Muslim, mga Nanamplataya sa Islam,  ang aking pagbati ng  "happy Ramadan Kaka at sa lahat ng mga kapatid na Muslim".

ALIH: Maraming salamat Kapatid na Lucy. Ang tanong ni Doc Willie Ong ay: Gusto mo bang maging malusog at masigla?

Ikaw Lucy gusto mong maging malusog at masigla?

LUCY: Of course naman Kaka, papaano bam aging malusog at masigla?

ALIH: Si Doc Willie ang sasagot sa iyo Lucy:  “Simple lang ang solusyon. Kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw.”

LUCY: Papaano kaka, paki detalye naman.

ALIH: Ang sasagot pa rin ay ang sinulat ni Doc Willie Ong, ang sabi niya: “Maraming benepisyo ang iyong makakamtam sa ganitong paraan:”

1.     Kumpleto sa bitamina – Kapag susundin mo ito, makukuha mo ang mga bitaminang kailangan ng iyong katawan sa bawat araw. Sagana ang prutas at gulay sa vitamin A, B, C, K at iba pa.

2. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10%. Kung gusto pang bumaba ang tsansa na magka-kanser, umiwas din sa sigarilyo at pag-inom ng alak.

3. Para maging regular ang pagdumi – Malaki ang tulong ng prutas at gulay sa ating tiyan at bituka. Mataas ito sa fiber na parang nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.

4. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa mga vitamin B, na makatutulong sa ating ugat (nerves) at makababawas sa stress. Mas giginhawa din ang iyong pakiramdam sa pagkain ng prutas at gulay.

5. Panlaban sa init – Kapag masyado mainit ang panahon, kumain ng matutubig na prutas, tulad ng melon, pakwan at buko juice. Uminom din ng 8-10 basong tubig sa bawat araw.

6. Para manatiling bata at malusog ang katawan – Ayon sa isang pagsusuri sa England, may 4 na gawain ang makakatanda sa atin ng 12 taon. Ito ay ang paninigarilyo, pag-inom ng sobrang alak, hindi pag-e-ehersisyo, at kakulangan sa pagkain ng gulay at prutas.

7. Ito’y rekomendasyon sa “Food Pyramid” na nagsasaad ng dapat nating kainin sa bawat araw. Para makaiwas sa sakit, kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay araw-araw.

Ngunit, kung gusto ninyong kumain ng mas marami pang gulay ay puwede naman kumain ng hanggang 3 or 4 na tasang gulay sa isang araw. Kung prutas ang mas gusto mo ay huwag lang sosobra sa 2 tasa at baka kayo tumaba. Halimbawa ay ang mangga at ubas ay matamis at mataas sa calories.

Sa Upi marami tayong mabibili na mga masusustansiyang prutas, andiyan ang saging, mansanas, orange, dalandan, papaya, strawberry, ubas, pakwan, melon, buko, abokado at pineapple.

Sa mga gulay naman ay makakabili ka rin ng  broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, spinach, talong, okra at talbos ng kamote.

Pero kuwidaw, ingat sa mga binibili natin na mga prutas at gulay, sigorado ka bang  hindi nahaluan ng chemical?

Para makasigoro na ligtas ka sa panganib na dulot ng chemicals na inispray sa mga tanim ay kayo na mismo ang magtanim. Madali lang naman ang pagpapatubo nito dahil sa ating klima at location. Madaling tumubo ano mang tanim ang ating itatanim, kailangan lamang ang sipag at tiyaga.

Tapos na natin talakayin ang kangkong, ampalaya, talbos ng kamote,  ang wala pa ang petchay, talong, okra at iba pa.. tuloy natin.

Unahin natin ang petchay o petsay.

Ang petsay ay ang tinatawag na Chinese cabbage sa Ingles na nangangahulugan "repolyong Intsik", na may madirilim na luntiang dahon at mga malalapad na mapuputing tangkay. Karaniwang namumunga ito ng mga dilaw na bulaklak

45 na araw na pwede ng iharvest ang pechay… dahon at katawan naman nito at ginugulay.

Pwedeng itanim ang pechay sa malalaking paso, dahil medaling mabuhay ang buto nito,  maliban sa direkta na itong itanim sa garden o sa bukid.

Pwede permante o tuwiran  na sa lugar kong saan mo isinaboy ang mga buto nito, o ililipat sa naman sa garden o plot.

Ang seeds o buto ng petchay ay mabibili sa mga agricultural store, o araw ng palengke ay may nagpapabili din ng tingi-tingi, tig limang peso..

Diligan ng tubig sa  araw-araw lalo na kong tag-init.


CREAMY BINALOT NA TILAPIA SA PECHAY (SINANGLAY) RECIPE

INGREDIENTS
6 pcs. tilapia fillets
3 tbsp. calamansi juice
1 tsp salt
1 tsp pepper
2 bunches pechay
1 pack Knorr Ginataang Gulay Sitaw and Kalabasa Complete Recipe Mix
1.50 cups water
1 stalk lemongrass (white part only)
2 pcs. sili, long green
3 pcs. tomatoes, deseeded and minced
2 pcs. onion, minced

DIRECTIONS
·        Season the tilapia fillets with calamansi juice, salt and pepper.
·        Wash the pechay leaves and then dry.
·        Carefully wrap the fish with tomato and onions in pechay leaves. Secure tightly using a strand of lemongrass.
·        In a medium-sized pot, dissolve the Knorr Ginataang Gulay Complete Recipe mix with water and bring to a boil.
·        Add the lemongrass and sili. Lower the heat and let it simmer.
·        Then carefully place the wrapped fish one by one in the pot. Cover and let it cook for 10 minutes.

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..


(PLAY EXTRO)      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento