Miyerkules, Hulyo 17, 2013

Mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala


(Hulyo 18, 2013 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host-Ms Lucy Duce)

LUCY: Mga Kultura,  Kaugalian at Paniniwala ng mga Kapatid na Bangsamooro ang ibabahagi  sa atin ni Kaka Alih ngayong umaga,   sa ating segment na Gabay at Talakayang..  

Kalilang (kasal) ay nagbago na din, dati ang kalilang  sa
bahay ng babae, ngayon sa mga restaurant na...
(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY: Magandang umaga Kaka..

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Lucy, Assallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaong hindi nakikinig sa kanilang mga sariling radio, dahil sa kapit-bahay lang nakiki-share.  (LAUGHING).
 
Alam mo ninyo kaibigan na sa ngayon ay nahaharap  sa maraming pagbabago ang kulturang Pilipino, at of course kasama diyan ang Bangsamoro at Teduray/Lambangian. Mga halimbawa ng mga  pagbabago mula sa kabayanan o kalunsuran (dati sakop tayo ng muncipyo ng Dinaig ngayon ay Upi, andiyan na  rin ang South Upi at Datu  Blah), pangkabuhayan, medya (dati wala ang  tayong DXUP, dati wala tayong internet sa Upi)  at teknolohiya (halimbaawa nito ay celpon at computer)  na nagdulot  ng mga pagbabago sa pagpapahalaga, kaugalian at kulturang kinagisnan ng angkang Pilipino, Teduray at Bangsamoro.

LUCY:  Napansin ko din yan Kaka Alih…

KAKA ALIH:  Salamat Lucy, ang ibabahagi ko ngayon umaga na kaugalian o paniniwala ng mga Bangsamoro na Muslim, but gusto ko lang ipalaala sa lahat na ang madalas sa mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinalaw sa paniniwala sa Islam…kung baga I timpladong ng Islam ang kultura at kaugalian natin.
Kalilang (kasal) ay nagbago na din, dati ang kalilang  sa
bahay ng babae, ngayon sa mga restaurant na...

Halimbawa na kaugalian o adat, which adab sa Arabic,  itong manners and etiquettes, o magandang kaugalian ng pagbasok sa kasilyas o comfort room..

Una,  ang dapat,  kong papasok ka sa kasilyas ang  unang ipasok ay ang kaliwang paa, at sa paglabas naman ay kanang paa. At habang nasa loob o ginagawa mo yun, ay hindi ka magsasalita o nag-uusap sa kasama mo, maliban na lamang sa emergency situation. With exception sa biyanang babae, dahil pinapayagan yun sa katuruan ng Islam.

Ang iba pang matandaan ko na kultura natin na mga Pilipino, Bangsamoro at Teduray sa pagiging malapit sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.

Madalas ay namumuhay o nakatira sa isang bubong ang buong pamilya na binubuo ng mag-asawa, kanilang mga anak at ilang pang mga kamag-anakan.    Sa ngayon yan,  ay may pagbabago na,  hindi lang nagbukod ng bahay kundi nangibang  bayan pa,  at mayroon  pa diyan  na nangibang bansa na.

Minsan dahil na rin sa paglulunsod o naging city, ang ibang mga bayan,  ang mga dati ay Barangay o municipyo (halimbawa nito ang Tacurong, Kidapawan)  ang ibang pamilya mula sa lalawigan nagtungo na sa mga lungsod,(marami daw kasi na opportunity doon) ang dating sama-samang magkakanak ay nagbunga  na rin ng pagsasarili.

Ang nagkalayu-layong angkan ay di na kasinlapit ng dati at di na rin gaanong magkakakilala, sabi ng kumapare ko, “… mabuti pareng Ali, may facebook nakilala ko  ang  lost relatives ko sa America na.” (LAUGHING)

Alam  mo  Lucy, ako mismo, tru to life story ito ha?   nakilala ko thru facebook ang  ibang membro  ng angkan ng  Iranun sa KotaBelud sa Malaysia, because of facebook. (LAUGHING).  Mga Apo ko at pamangkin nakilala ko sila thru facebook lang, tulad kagabi isang apo na nagtrabaho sa mall sa Maynila nakilala at nakuha ang address at phone number because nakaa chat ko…(LAUGHING)

Sabagay kahit ganito  na ang sitwasyon natin, masasabi pa ring  malakas   ang turingan ng angkan o pamilya,   ngunit ang pagbibigayan at pagmamalasakit sa membro ng pamilya ay unti-unting ng nawawala.

Ang pandarayuhan, o pangingibang bayan o bansa  ay may dulot ding pagbabago sa pamilyang Pilipino. Bakit? Bakit sila, nangingibang bayan o bansa? Karamihan ng mga magulang na nangingibang bansa upang magtrabaho ay naniniwalang ito ang paraan upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at maitaas ang antas ng pamumuhay nito. Dahil dito ang pag-aaruga sa mga anak ay iniaasa  ng pansamantalang lumayong  magulang sa ibang tao. Kaya hayun, kulang sa magandang asal ang bata.

Ayon sa pag-aaral   o  dukumentation natin, ang mga naiwang anak ay ipinauubaya sa katulong, yaya o mga nakatatandang kapatid na napipilitang gampanan ang pagmamagulang sa napakamurang gulang. Kaya Bunga pa rin ng patrabaho sa ibang bansa, dito  ay nagkaroon ng pamilyang Pilpino na tinatawag na single-headed household, parentless household at mga seasonal orphans na madalas na pinanggagalingan ng mga kabataang nalulong sa mga masasamang bisyo, nakikipag-ugnayan bago ikasal at nagsisipag-asawa nang maaga o wala sa oras. Ilan lamang ito sa mga patuloy na pagbabago sa pamumuhay at karanasan dahil sa pandarayuhan.
Kalilang (kasal) ay nagbago na din, dati ang kalilang  sa
bahay ng babae, ngayon sa mga restaurant na...

Heto pa ang isa  daw  sa matinding  pagbabago ng mga Pilipino,    pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan. Ang mga tungkuling dati ay nagagawa lamang ng mga lalaki sa larangan ng trabaho o posisyon ay nagagampanan na rin ng mga kababaihan. Patuloy na hinahangad ng mga kababaihan na maiukol ang pantay-pantay na pagtingin sa parehong kasarian. Kung kaya naman ngayon ay marami na ang mga ina ng tahanan na naghahanapbuhay di lamang makatulong sa gastusin ng pamilya ngunit para na rin sa pansariling pag-unlad. Dahil dito, ang mga inang nanunungkulan sa labas ng tahanan ay umaasa sa kanilang asawa upang makatuwang sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga ng kanilaang mga anak.

Sa mga   pagbabago  naman na  dulot ng modernong teknolohiya at media ay damang-dama na rin ng pamilyang Pilipino.

Sinasabing sa kasalukuyan ay namumuhay tayo sa Information Age, kaya madalas mo  mong marinig ang IT.. hindi ET.. (LAUGHING)… kung saan ang pamilya ay patuloy na umaangkop at humahabol sa bilis ng pagbabago sa pamumuhay dala ng makabagong teknolohiya. Ang mga modernong kagamitan at pamamaraan tulad ng computer, internet, e-mail, cellphone,   at makabagong sistemang gamit ng media ay nagpabago sa dating gawi at ugali ng pamilyang Pilipino. Bunga ng mga teknolohiyang ito ay nagiging impersonal ang pag-uugnayan at komunikasyon ng pamilya sa loob ng tahanan. Sa napakaraming bagong kaalaman at datos dulot ng teknolohiya ay nababawasan ang oras na ginugugol sa bawat isa sa labis na paggamit nito.

Dahil sa pagbabagong ito ay naapektuhan ang  personal na pag-uugnayan ng miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Dati rati ang  pinahahalagahang kaugalian ng pamilyang Pilipino tulad ng masayang pagsasama-sama, pagkakamustahan at pagkukuwentuhan pagsapit ng dapithapon ay tila napapalitan ng impersonal na pag-uugnayan at komunikasyon dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, text text  na lang daw o kaya chat chat na lang thru skype (LAUGHING).. 

Pati ang  pangliligaw ng  mga  Pilipino  na panghaharana ay nawala na rin, dahil  napalitan  na ng  sms o text messages.. (LAUGHING).

Ang pagbabago ay  natural lamang daw, subalit ang  payo ay may pagabago dapat ay yaong nakakabuti  at hindi ang pagkariwara ng  sambayanang Pilipino, Bangsamoro at Teduray.

Kinakailangan pa rin  ang pag-aaral sa mga kaugalian at kultura natin, panatilihin ang nakakabuti at palitan  natin ang dapat ng idelete..

Ito po ang inyong  kapatid na Bangsamoro, si Kaka  Ali, Sukran.. Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

LUCY: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan Kaka Alihmuli muling abangan bukas , ang isa pang paglalahad sa atin ni Kaka Alih. 

(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento