(July
19, 2013-Biyernes-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
host
ay si Ms. Lucy Duce.
bunga ng Sitaw |
LUCY: Ngayong umaga ng Biyernes ay ang “Karne ng
mahihirap” ang ituturo naman ni Kaka Alih Ano kayang klaseng tanim ito, bakit karne ng
mahihirap? pakinggan natin ang detalye ng usaping ibabahagi ni Kaka Ali, sa ating
segment na…
Malakihang pagtatanim ng Sitaw |
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka
Alih, kumusta naman ang iyong umaga? At ano naman tanim ang ibabahagi mo sa
amin ngayong umaga?
ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano nga ba.. eh di
gulay pa rin tayo, at steady pa rin pa
rin tayo sa mga gulay na pampapalakas!!! (LAUGHING)
Ngayon ay ika sampu (10) na araw ng
Ramadan, ang buwan ng pag-pupuwasa o
pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim, and
because of that ay Happy Ramadan to all
brothers and sisters in Islam.
Maliitan na pagtatanim ng Sitaw |
LUCY: Ang akin ding
pagbati ng "happy Ramadan" sa inyo Kaka at sa
lahat ng kapatid na Muslim.
ALIH: Maraming
salamat muli Kapatid na Lucy.
produksiyon kung
ihahambing sa ibang legumbre. Mayaman ito sa sustansya
lalo na sa protina.
Sa Iranun at Maguindanawon na Bangsamoro, ay tinawag nila itong linggay, sa Teduray ay bana, .. Ang
sitaw o sitao Sa Ingles ay string bean o green bean, ay isang uri ng berdeng gulay. Phaseolus
vulgaris ang siyentipikong pangalan nito.
LUCY: Ano ang mga bitamina na makukuha sa sitaw?
KAKA ALIH: Ang sitaw ay
mayaman sa vitamin C, Fiber, Vitamin A at Vitamin B5. Don’t worry my friend,
certified ito na pampalakas pa rin ng iyong tuhod..(LAUGHING)
Ang mga uri o variety ng
sitaw, Black-seeded, Red-seeded, White
Singapore.
Green and Purple Pods at
Bush Sitao at pinagbuting uri ng UP College of Agriculture.
Maitatanim ang sitao sa
lahat na uri ng lupa tulad ng lupa natin sa Upi subalit lalong mabuti kung ang
lupa ay buhaghag.
Anong buwan pwedeng
itanim ang sitaw? An nanana.. wala problema kaibiagan you can plant anytime, round the clock ika nga
(PLAY LAUGHING) What I mean is, Maitatanim ang sitaw sa buong taon. (sing) Enero, Pebrero, Marso,
Abril, Mayo..(PLAY LAUGHING)…
Simple lang ang Paraan
ng Pagtatanim.
1.
Sa maramihan na pagtatanim, araruhin at suyurin
nang 2-3 ulit ang lupang taniman upang ito’y magingpino at buhaghag.
2.
Magtanim ng 2-3 binhi sa lalim na 3 sentimetro
sabawat tundos na may 60-80 sentimetrong agwat sa bawat tudling na mayisang
metrong pagitan.
3.
Maglagay ng tulos sa bawat tundos kapag sumibol na
ang tanim.
4.
Maglinang nang minsan o dalawang beses at mag-alis
ng damo.
5.
Patubigan ang pananim tuwing ika-10 araw kung
tag-araw.
6.
Maglagay ng abono sa mga tudling bago magtanim.
Kakailanganin ang 250 kilong abono sa bawat ektarya.
Ang mga murang bunga na
panggulay ay maaani pagkaraan ng 60-80
araw pagkatanim. Ang mga
tuyong bunga ay maaani pagkaraan ng
tatlong (3) buwan.
Ang mga uod,na kalaban dito
kong minsan ay uwang, langaw (bean-fly) at
kuto (aphids) sa halaman ang mga peste na sumisira sa pananim na sitao. Upang
mapangalagaan ang mga pananim, magbomba ng Sevin kung kinakailangan.
Sa pagluluto naman ng
sitaw, abangan na lamang sa mga segement sa buhay buhay.. tiyak na mapapalaway
kayo, na sa mga ibabahagi ni Jeanetha..buhay buhay ay 8:00-9:00 ng umaga.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga
kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong
pagksasaka..
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento