Sabado, Hulyo 6, 2013

Mga Mura at Masustansiyang Pagkain ng Pinoy

(July 8, 2013-Lunes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce)

photo by: Ako C Kim (fan page)
LUCY: Ang huling    ibinahagi sa atin ni Kaka Alih ay ang mga gulay,   ngayong araw naman ay , Mga Mura at Masustansiyang Pagkain ng Pinoy
At  sinisiguro ko sa inyo na makaka  talaga sa inyo, dahil basta si Kaka Ali, sigoradong di ka malulugi sa oras mo, buweno  heto na ang ating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Lunes? ,

ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano ba nga ba..  
Good morning Lucy, magandang umaga sa mga kapatid na magasaka, , sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.

LUCY:  Ay tama nga pala Kaka Alih,  Ramadan at muli naman kayong magpuwasa na mga Muslim, mga Nanamplataya sa Islam, ang aking maagang pagpupugay ng "happy Ramadan".

ALIH: Maraming salamat Kapatid na Lucy. Ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Lunes?  simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang   kaalaman ng ating mga madlang nakikinig, lalo na yaong mga taga Nangi at Darugao.

Hey hey my friend huwag pagtawanan ang gulay, di mo ba alam na wala pang magsasaka na hindi nag-gugulay? Ikaw Lucy nag-gugulay ka din ba?

LUCY:  Of course naman  Kaka Alih, hindi kumpleto ang kainan ng pamilya pag wala ang ulam na gulay.

Maraming Pilipino ang naghihirap. Pero tandaan natin na kahit kulang tayo sa budget ay puwede pa rin kumain ng masustansya. Mga masustansiyang mga pagkain, na kaya ng mga Pinoy dahil mura lang at available sa ating bakuran at medaling mabili, kong wala ka pang tanim,

Heto na ang unang masustansiyang gulay at  tiyak na may tanim kayong, “… mga  ma-berdeng gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, malunggay, talbos ng kamote, at ampalaya.”

Ang kangkong, malunggay at talbos ng kamote ay natalakay na natin, at bibihira sa atin na magsasaka na taga Upi na walag tannin na ganitong mga gulay. Kong wala ka nito pare ko, magsimula ka ng magtanim. Bakit?

Dahil ayon kay Doc Willie, “ Ang gulay ay sagana sa bitamina, minerals at plant chemicals. May fiber, potassium, folate at iron pa. Ang gulay ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, mataas ang cholesterol, diabetes, sakit sa tiyan, at kanser.”

Heto pa ang next na tiyak na mayroon ka, ang Monggo. Ayon pa rin sa aklat ni Doc Willie: “ Monggo, tokwa at tofu – Ito ay kasama sa beans family. Mataas ito sa protina at may taglay na iron, folic acid at minerals. Mababa din sa taba at asin. Mainam ito sa puso at pampababa din ng cholesterol.”

Heto pa ang tiyak na mayroon kayong tanim, ang kamatis. Ayon kay Doc Willie, “Kamatis, tomato sauce at ketsup - Ang mga pagkaing ito ay mataas sa lycopene na isang anti-oxidant. Naka-aalis ito ng dumi sa ating selula. Makatutulong ito sa sakit sa puso at pag-iwas sa prostate cancer.”

Kapatid may tanim ba kayo ng karots? Kong wala pa, magsimula ka ng magtanim dahil madali lang naman magtanim ng carrots, ang mga taga KM 30, taga Kibleg pwede kang magtanong sa kanila, dahil may nakikita akong pinagbibili doon. Ok bakit karots?

 “Karots (Carrots) – May pagsusuri ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser sa suso at mabuti rin sa mata. Ito ay may Vitamin A, C at E. Ang kalahating tasa ng carrots ay may 35 calories lamang at hindi nakatataba. Subukang ihalo ang carrots sa ensalada at sabaw.”

Pang lima na masustansiyang gulay o pagkain na halos lahat tayo ay may tanim, ang kamote.  Ayon kay Doc Willie Ong: “Kamote –May taglay na Vitamin A, B6, C at E ang kamote. Ayon sa pagsusuri, makatutulong ito sa pag-iwas sa kanser sa baga lalo na sa mga naninigarilyo. Masarap ang nilagang kamote at kamote-cue.”

Heto p ang pang-anim sa nalista ni Doc Willie Ong na tiyak ko mayroon kayong taniman sa bakuran, ang Saging –  “Ang saging ay puwede gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil tinatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay may tulong sa mga nanghihina at may cramps dahil mataas ito sa potassium at vitamin B6. Kung lagi kayong pawisin o gusto niyong lumakas, mag-saging ka.”
                                                                                                          
Heto naman ay pwedeng mabili, at of course kong taga bukid ka madali lang itanim, sa bukirin, at marami ang buyer mo nito, ang mani…aang sabi ni Doc Willie ang  “Nilagang mani – Ang mani ay may taglay na protina, minerals at good fats. Dahil dito, ang mani ay maganda sa puso, utak at nakapagpapababa ng cholesterol. Ito’y posibleng pampatalino din.”

Maasim na prutas tulad ng dalandan, calamansi at suha, masustansiya din ito, kaya kailangan may tanim ka din kapatid. Ayon pa rink ay Doc Willie Ong,  – “Ang maasim na prutas tulad ng dalandan, calamansi at suha Masustansya ang mga prutas na ito dahil sa dami ng Vitamin C. Ang Vitamin C ay isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan at panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.

Ang Isda tulad ng sardinas, tilapia, galunggong at dilis ay hindi pwedeng itanim (PLAY LAUGHING) subalit ito ang mga murang pagkain na mabibili sa palengke. Yes ang mga sardinas, tilapia, galunggong at dilis, ay pinaka mura na mabibili natin sa palengke,  -   “….ang isda na tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso, istrok, at nagpapababa din ng kolesterol. Mas masustansya ang isda kaysa sa karneng baboy o baka.”

Heto ang pwedeng mabili, at pwede ring magproduce  ang taga Upi ang Gatas at keso – “Ang mga produkto ng gatas tulad ng keso at ice cream ay kumpleto sa sustansya. Ito’y dahil ang gatas ay may protina, carbohydrates at taba din. May calcium at vitamin B pa ang gatas para sa kababaihan at kabataan. Sa mga gustong magpapayat, piliin ang low-fat milk.”

Ang lahat n gating sinabi sa inyo ay available sa bakuran, at kong wala pa ay pwedeng mabili sa public market sa murang halaga, lamang… ano ang susunod nating ibabahagi bukas? Secret muna, basta abangan lamang ninyo, at mapapalaway naman kayo...

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo..  


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento