(July
16, 2013-Martes-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
host
ay si Ms. Lucy Duce)
Cassava, (Ubi Kapuk-in Iranun) |
LUCY: Ngayong
umaga ay tatalakayin ni Kaka Alih itong halaman na ang kinakain ay lamang ugat
at pati dahon ay nagugulay na rin, makabusog at masustasiyang pagkain, ano kayang tanim ito? pakinggan natin ang detalye ng usaping ito, buweno heto na ang ating segment na…
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang iyong
umaga? At ano naman tanim ang ibabahagi mo sa amin?
ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba.. gulay pa rin, ang mga gulay na pampapalakas!!!
(LAUGHING)
But before everything else,
allow me to greet you: “Good morning Lucy,” magandang umaga sa mga kapatid na
magsasaka, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, (ang
mga kapatid na Muslim), asssallamu
alaikum warahmatulahi wabarakatuh.
Ngayon ay ika pitong araw ng pag-pupuwasa o pag-aayuno sa buwan ng
Ramadan ng ating mga kapatid na nanampalataya sa Islam.
LUCY: Yes Kaka, kaya naman ang aking pagbati
ng "happy Ramadan".
ALIH: Maraming
salamat muli Kapatid na Lucy.
Buweno, matandaan ninyo
kahapon tinalakay natin ay ang lamang
ugat at butong gulay,? bukod kasi sa mura na ay masustansiya pa , at ayon pa sa
sinulat ni Czarina T. Martinez, ito ay
para sa maayos na kalusugan.
Ang sinabi ni Ms
Martinez, “Ang lamang ugat at butong
gulay ay mayaman sa dietary fiber at maaaring makatulong sa pagpigil ng sakit kagaya
ng diabetes, cancer, sakit sa puso, at baradong ugat. Ito ang natuklasan sa
katatapos na
Sa
kabuuan ang dietary fiber ay tumutulong na mapabuti ang panunaw, maiwasan ang
pagtitibi, mailabas ng regular ang dumi ng katawan, at mapababa ang cholesterol
at asukal sa ating dugo.
Ang Anim (6) na lamang ugat at nabanggit kahapon, ang ubi, , gabi,
tugi, patatas, kamote, natalakay na din
natin, at itong kamoteng kahoy, na siya nating pag-uusapan ngayon umaga.
Ok ba sa iyo Lucy,
magkamoteng kahoy naman tayo ngayon?
LUCY: Basta ikaw
Kaka ang pumili, agree, at alam ko basta si Kaka Alih sigoradong pampalakas na
naman yan… (LAUGHING).
KAKA
ALIH: Hahaha marunong ka na rin ngayon magpatawa Lucy ha?
Heto na ang
kamoteng-kahoy o kasaba sa Ingles ay cassava,
sa Iranun tulad ng title ng sinulat natin, Ubi Kapuk. Ito ay
isang uri ng halamang-ugat na nagsisilbing pangunahing pagkain sa Pilipinas,
katulad ng Mindanao, sa Upi.
Maharina ang ugat na ito
na nagagamit sa paggawa ng mga tinapay at mamon.
Ang laman ay katulad sa
kamoteng baging, kaya lang tinawag itong kamoteng kahoy, dahil ay tila punong
kahoy din ito, matangkad at mayabong din ang puno.
Ang palagi naming
ginagawa noon, sa bukid pa kami, ilaga at binabayo ito sa lusong na may
kinugkod na niyog at asukal, ang sarap.. parang minasang arina ang labas nito.
Ikaw Lucy, share ka ng
experience mo, papaano kinakain ang ubi kapok o cassava?:
LUCY:_____________________
KAKA ALIH: Salamat Lucy
sa sharing, ok tuloy ko…masarap din na nagulay ang talbos ng kamoteng kahoy, lalo
kong may sahog o inihahalo sa “tiyapa a langalak”, o sinugbang tulingan.. (LAUGHING)
Mayroon din chips..
pwede rin gawing suman ang kamoteng kahoy. Masarap na pangsahog sa tabirak o sindul
o ginataan..masarap din na gulay,
katulad ito ng kalabasa.. Malabo din …masarap din gawing puto.. itong ngang
kamoteng kahoy ay ginagawang arina..
Noon panahon na uso pa
ang pag-aalmirol ng damit, ito din ginagammit namin na pang-almirol ng damit.
Pelamidunan, katademan ka utu?. (LAUGHING)..
Ginagamit din naming ng pinsan ko na pangdikit sa papel
sa ginagawa naming saranggola (LAUGHING)..
Ang kamoteng kahoy
o“balinghoy”ay isang pangmatagalang halaman. Ito ay may maraming gamit. Maliban
sa pangsahog sa pagkain ng hayop maari din itong pagkunan ng ethyl alcohol.
Napag-alaman na ang isang tonelada ng kamoteng kahoy makakagawa ng 180 litro ng
ethyl alkohol. Maari itong itanimsa anumang uri ng lupa
ngunitmasmaganda ang tubo nito at mataas ang ani sa lupang buhaghag at mayaman
sa organikong pataba. Maari din itong itanim sa panahon ng tag-ulan
o tagaraw
Ang pagtatanim ng
kamote, unahin natin sa paghahanda ng Lupa o land preparation: Pumili ng lupang
buhaghag na hindi natutuyuan ng tubig. Sa malawakang pagtatanim ay araruhin at
suyurin ng isang beses ang lupa kung gagamit ng traktora at dalawang beses kung
gagamit ng kalabaw. Maglagay o Magtudling
ng may agwat na 75 sentiemtro.
Prepare na ang tataniman
mo, so magtatanim ka. Kumuha ng mga pananim mula sa tangkay ng mga
halaman namay walong buwang gulang pataas, walang sakit at walang tama ng
insekto. Putul-putulin ang mga tangkay
sa habang 20-30 sentimetro o isang dangaw o mahigit ang bawat putol.
Paghiwalayin ang mga
pinutol na bahagi ayon sa parteng pinagmulan nito; isang grupo para sa mga
pinutol mula sa pinakamababang bahagi ng tangkay, isa, para sa mga pinutol mula sa gitnang bahagi at
isa, sa mga pinutol mula sa
dulong bahagi ng tangkay.
Sama-samang itanim ang bawat tangkay mula sa magkakatulad na bahagi. Ang tangkay na pinutol na naimbak samalamig
at malilim na lugar ay tatagal sa loob ng tatlong buwan, ngunit mas mainam pa
rin gamitin ang sariwang pananim. Magtanim sa layong 75 x 75 sentimetro
Maaring itanim ito ng
pahiga, patayo o medyo pahiga. (Pahiga angkop
sa tuyong lupa o kung tag-araw; patayo na nakalitaw ang ikatlong bahagi angkop
sa basang lupa o kung tag-ulan, medyo pahiga angkop sa katamtamang daming tubig
sa lupa.
Magtanimsa daang araro o
tudling (furrow) kungtag-arawat sa bunton ng lupa (ridge) kung tag-ulan.
Kailangan mag-ulit tanim sa mga bahaging hindi tumubo makalipas ang dalawang
linggo pakatanim,
Ang tanong ay inabonohan
din ba ang cassava, of course, kong kinakailangan, kong ayaw mo ng oraganic
fertilizer heto ang nakaugalian sila ay naglalagay ng walong sakong 14-14-14 sa bawat ektarya; ang
kalahati (apat na sako) ay ilagay sa
araw ng pagtatanim (basal) ang natititrang kalahati (apat na sako) ay ilagay
dalawang buwan pagkatanim bago tabunan ng lupa o gahukan ang mga puno ng
halaman (hilling-up). Maglagay din ng
abono 15 sentimetro mula sa puno ng halaman o ibudbud ito sa hanay ng mga halaman.
Patubigan ang taniman upang matunaw ang abono
Maglagay ng kompost o tuyong
dumi ng hayop (50 sako sa bawat ektarya)
habang inihahanda ang
lupa upang maihalo ito nang husto sa lupa.
Linisan ang tanim,
kinakailangan na hindi madamo, dahil nangaagaw ng pagkain ng tanim ang mga
damo.
Sa Pagaani o harvesting-ay
tingnan o magsampling sa taniman walong buwan makalipas itanimang kamoteng kahoy kung maari ng anihin.
Bunutin ang mga tanim nang manu-mano
lalo sa lupang buhaghag. Sa lupang medyo
matigas maaring gumamit ng bareta o taktak ang lupa.
Kung aanihin na manu-mano
putulin muna ang tangkay ng halaman at mag-iwan ng kaunting bahagi mahahawakan
sa pagbunot. Kung maari palipasin muna ang 3 hanggang 4 na araw bago bunutin
ang tanim upang hindi kaagad masira ang mga laman pagkaani. Tanggalin ang mga
laman sa tangkay gamit ang matalas na itak at tanggalin ang nakakapit na lupa
gamit ang patpat na kahoy. Hugasan ang kamoteng kahoy at patuyuin sa hangin bago
gawing chips kung gagawing arina bilang pagkain at kung gagawing pagkain sa
hayop huwag na itong hugasan.
Sukran and wassallam..
LUCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento