Huwebes, Hulyo 11, 2013

Si Kuto at Lisa, Peste sa Buhay ni Inday


Kuto
(July 12, 2013- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

Host:   “ Peste ng buhay ni Inday, kilala mo ba? Ang sabi ni Kaka Alih ang pamilya ni Kuto at si Lisa, at para makilala mo sila, join us sa ating…

 (PLAY INTRO-GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)  
   
Host :  Good morning Kaka. Ipakilala mo  naman sa amin ng husto sino itong pamilya Kuto at lisa.

Kaka Ali:  Don’t worry partner, Lucy.. idedetalye ko ang bio data ng mag-anak na ito, na peste sa buhay ni Inday..(LAUGHING).. magandang umaga sa lahat ng nanay na nakikinig habang naglalaba, at iba ay bago lang nag-aagahan. Assalamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.. sa lahat ng kapatid na Muslim, Good morning o magandang umaga naman sa lahat.

Una kong ipapakilala ang magulang si Kuto.

Ang mga kuto ay maliliit na mga surot ng buhok na kasinlaki ng linga.  Naninirahan sila sa buhok at nangangagat ng anit upang sumipsip ng  dugo. Hindi sila lumilipad o tumatalon, ngunit mabilis silang gumalaw.  Dahil dito, napakahirap nilang hanapin sa buhok. Nasasalinan nila ang bawa’t tao, anumang edad o lipi, ngunit ang mga ito ay di-karaniwang  sumasalin sa mga batang Aprikano-Amerikano, dahil sa hugis ng poste  ng kanilang buhok.

Heto naman si Lisa.



Ang mga lisa ay mga itlog ng mga kuto. Mukha silang madilaw na puti o kayumangging balakubak. Kinakabit ng mga kuto ang kanilang mga itlog sa mga poste ng buhok na mayroong “pandikit” na di-tanatablan ng tubig.

Ang mga kuto ay nangingitlog malapit sa anit. Madalas ang mga   lisa ay matatagpuan sa may bandang batok at sa likod ng mga tainga. Ang mga lisa ay hindi natatanggal sa pagbabanlaw o pagsusuklay ng buhok. Kailangan silang  tanggaling isa-isa.

Lisa nakakapit sa buhok
“Kaka di mo alam na  masarap mahingutuhan?” sabi ng isang nanay. (LAUGHING)

Sabagay nasubukan ko na hingutuhan, makatulog ka, ang problema may manghihinguto ba sa iyo?

May singit ako na kuwento last 58th Upi foundation celebration, may napitikan ESTE NACLIKAN ang camera ko na mag-ina at mag-ama diyan sa plaza Maharlika na naghihingutuhan, ang ganda dawn g ganito , may family bonding..(LAUGHING)…

Ang mga kuto ay maaaring kumalat nang mabilis mula isang tao  hanggang sa susunod, kapag ang mga tao ay:
a)   Naghihiraman ng mga sumbrero, mga bandana, mga suklay, mga brush, mga ipit ng buhok, mga pantali ng buhok, mga helmet o mga damit.
b)  Humihiga sa iisang ikam, kama, supa o karpet.
Lisa o Headlice egg
c)    Naglalaro nang malapit sa isa’t-isa.
d) Gumagamit ng mga bagay na nakalagay sa mga aparador o mga laker na may kuto o mga lisa sa loob.

LUCY : Kaka ang alam ko hindi agad malalaman na  may kuto o lisa ang bata o taong mayroon nito, may mga Palatandaan ba na may kuto o lisa  sa ating buhok.

KAKA ALIH: Palataandan? Heto ang ilan sa palantandaan kong ang isang tao ay may kuto o lisa sa kanilang buhok.

ü Pangangati o nakakakiliting pakiramdam na tila may gumagalaw o kumikiliti sa buong ulo.

ü Mga markang pula o mga sugat sa anit na karaniwang may agusan at pagbabalat.
Tandaan na ang mga ito ay kadalasang matatagpuan sa likod ng mga tainga o sa batok. Kapag ang balat ay may bukas na kamot, ang mga sugat ay maaaring maimpekta at kinakailangang magamot ng iyong doktor.
ü Pagkakamot ng ulo. Kung minsan, maraming linggo ang inaabot bago magsimulang magkamot ang isang bata.

Lucy: May lunas na ba kaka Alih para maalis o mairadicate  si Kuto at Lisa?

KAKA ALIH:  Of course naman mayroon, heto ang na-researched natin. Source: www.healthinfotranslations.org

Maaaring makarekomenda ang mga  doktor   ng gamot laban sa mga kuto tulad ng panggugong may gamot, krema o losyon.

Maaari ka ring makabili ng mga produktong pangkuto tulad ng Nix Crème Rinse, sa inyong lokal na botika na walang kinakailangang reseta. Ang ibang mga produkto ay may kasamang suyod sa pakete, o makakabili ka rin ng suyod nang hiwalay. Ang espesyal na suklay na ito ay makakatulong sa paghahanap at pagtanggal ng mga lisa. Napakahalagang tanggalin ang  lahat ng mga itlog ng mga kuto at gamutin ang lahat ng mga miyembro ng pamilya.

Mga espesyal na babala tungkol sa mga produktong panlaban sa Kuto at Lisa.. 

• Kung allergic ka o ang iyong anak sa ragweed, ikonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang tatak ng may gamot na panggugo. Maaaring magsanhi ang aktibong sangkap sa ilang mga tatak tulad ng Rid, Pronto at A-200 ng malalang allergic reaction.

• Huwag gumamit ng mga produktong panlaban sa kuto sa mga batang wala pang 2 taong gulang.

• Kung nagdadalang-tao ka o nagpapasuso, kumonsulta sa iyong doktor bago gumamit ng mga produktong panlaban sa kuto.

• Hindi nagdadala ang mga alagang hayop ng mga kutong pantao at hindi dapat gamutin.

Ang Tamang Paggamit ng Nix Creme Rinse (o mga produkto ng tindahang may permethrin)

1. Gumamit ng regular na panggugo sa paghuhugas ng buhok. Huwag gumamit ng conditioner. Maaari nitong pigilan ang bisa ng gamot laban sa mga kuto. Gumamit ng mainit na tubig sa pagbabanlaw at tuyuing mabuti ang buhok sa pamamagitan ng tuwalya. Huwag muling gagamitin ang tuwalyang ito hanggang di-nalalabhan.

2. Maglagay ng puting suka sa buhok upang lumuwag ang “pandikit” na nagpapakapit ng mga lisa sa buhok.

3. Maglagay ng sapat na Nix Creme Rinse upang lubusang mabasa ang buhok at anit. Siguraduhing basain ang batok at likod ng mga tainga. Kapag nalagyan ang mga mata ng Nix Creme Rinse, banlawan kaagad ng malamig na tubig. 

4. Iwan sa buhok ang Nix Creme Rinse nang 10 minuto, at huwag lalampas dito.

5. Banlawang mabuti ang buhok at balat na malapit sa anit. Kuskusin ng bago at tuyong tuwalya. Huwag gumamit ng pantuyo ng buhok – ang ibang mga produktong pangkuto ay nagliliyab.

6. Suklayin ang buhok sa pamamagitan ng suyod upang mahanap ang mga lisa. Makakatulong ang pagbabahagi ng buhok. Kailangang matanggal ang lahat ng mga lisa! Maaaring umabot ng 2 o 3 oras, o higit pa, at maaaring kailanganin na kunin ang mga lisa gamit ang kamay, kapag hindi naging mabisa ang suyod.

7. Ilagay ang mga lisa sa isang supot na plastik, itali at itapon. Maghugas ng kamay nang maigi at magkuskos sa ilalim ng mga kuko.

8. Gumamit ng malinis na mga damit sa pagbibihis ng iyong anak. Kung ikaw ay bumili ng Rid o anumang produkto ng tindahan na mayroong piperonyl butoxide, gamitin ang produkto sa tuyong buhok.

Matapos Gamutin

• Kapag nakakita ka ng buhay na mga kuto matapos ang paggagamot sa loob ng 10 araw o higit pa, maaari mong ulitin ang paggagamot ng isang beses. Suriin ang buhok at anit ng lahat ng mga miyembro ng pamilya araw-araw. Kapag nakahanap ka ng mga lisa o mga kuto, gamutin ang kanilang buhok at pananamit sa parehong pamamaraan.

• Huwag hugasan ang buhok nang dalawang araw matapos gamutin.

• Huwag gumamit ng conditioner sa buhok sa loob ng 10 araw.

• Ang mga bombang pampigil ng mga peste ay maaaring makasama sa mga bata at hindi dapat gamitin sa bahay.

• Ang mga kuto ay maaari lamang mabuhay sa labas ng katawan ng tao nang hindi hihigit sa 55 oras.

Posibleng may mga kuto sa mga lalagyan ng mga damit tulad ng  aparador, narito ang paraan ng pagtatanggal ng mga Kuto sa Bahay.

• Labhan ang lahat ng mga pananamit na maaaring labhan (kasama ang mga sumbrero, mga bandana at mga amerikana) at lahat ng mga kumot at mga tuwalya na nadiit sa sinumang nagkakuto sa nakalipas na 3 araw.
Labhan sa makinang panlaba gamit ang mainit at mabulang tubig at tuyuin. Gamitin ang mainit na siklo ng pantuyo nang di bababa sa 20 minuto.

• Ibabad ang mga suklay, mga brush, mga ipit ng buhok, mga pantali ng buhok at mga helmet na pampalakasan sa napakainit na tubig  (55ºC [130°F]) sa loob ng10 minuto.

• Ang mga punda, pinalamanang mga hayop, mga pananamit at iba pang mga bagay na hindi maaaring labhan ay maaaring ipalinis nang tuyo o ilagay sa mga supot na plastik sa loob ng 2 linggo.

• Linisin ang lahat ng mga karpet at mga kasapangkapan sa pamamagitan ng panlinis na bakyum. Ilagay sa isang supot na plastik ang lahat ng alikabok ng panlinis na bakyum, itali nang mahigpit at itapon, pwede rin sunugin, subalit kwidaw baka kayo maisuuehan ng citation ticket in violation of Municipal ordinance #3 ang batas sa pangangalaga sa basura.

Sukran o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating programang buhay-buhay,  wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Host: Maraming  salamat Kaka Alih, sa very informative at nakakaaliw na presentation na yan, Kapatid abangan ang susunod na segment, ng ating   Gabay at Talakayang Pampamilya..


(PLAY-EXTRO;Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento