Linggo, Hulyo 28, 2013

Winter Melon , ang kinalililigtaan na Gulay ng mga Filipino

Kundol (winter melon)  compliments by http://www.stuartxchange.com/
 (July 29, 2013-LUNES-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   Host ay si Ms. Lucy Duce)

LUCY: Melon na nagugulay,  medyo bago ito ah, melon ginugulay?  Anyway,  para sure tayo, pakinggan natin ang segment writer at reporter sa ating segment na usaping agrikultura, si Kaka Alih.

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga   Kaka Alih. How are you today?
ALIH: Hahahaha..    Good morning din Lucy, magandang umaga,    sa mga kapatid na magsasaka, sa mga mag-uuma, su manga tali-awid, at sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Happy Ramadan sa Lahat.
LUCY: Ako din Kaka Alih ay nakikiisa sa mga Kapatid na Muslim,     sa mga Nanamplataya sa Islam,  ang aking pagbati ng  "happy Ramadan Kaka at sa lahat ng mga kapatid na Muslim".
ALIH: Maraming salamat Kapatid na Lucy.  Bago ko ilahad ang kabuuan ng ating presentasyon,  gusto ko lang balik-balikan ang paalaala ng ating kaibigan na batikang Doctor na si  Doc Willie ONG;  “ para maging malusog, kumain ng 2 tasang prutas at 2 tasang gulay bawat araw.”
At dagdag na rin ng programang ito,  na dapat ay   magkaroon ng gulayan sa  inyong mga bakuran upang  masigorong    fresh, at sigorado kang ligtas sa mapanganib na chemicals, na madalas na ginagamit ng mga magsasaka na pamuksa ng kulisap sa kanilang  mga gugulayin sa araw-araw.

Matanong kita LUCY, kilala mo na ba itong gulay na winter melon? 

LUCY: Hindi pa Kaka, medyo bago yata iyan na gulay, wala yata iyan sa bahay kubo.
KAKA: Talaga ha? Clue tanim pa rin ito sa bahay kubo…

LUCY: Di ko matandaan na may winter melon, sa bahay kubo, baka water melon, pero di naman yata yan gulay ang water melon.

KAKA:  Talagang hindi gulay ang water melon, but ang winter milon ay nagugulay at kasama sa mga tanim sa bahay kubo.. (sing the the bahay kubo-stop at kundol)    KUNDOL, iyan ang tinatawag sa English na winter melon.

LUCY: Hahaha.. (PLAY LAUGHING) bago ang pangalan dahil ininglis lang pala, ok kundol sa English ay winter melon.. tuloy mo Kaka, tiyak na marami naman kaming matutunan  ngayong umaga.

KAKA: Insha Allah (If Allah so Will) Pagsisikapan natin Lucy na maabot natin ang expection ng mga nakikinig ngayon umaga.

Sinasabi nila na ang Kundol is neglected vegetables in the Philippines””

Ang  kundol  ang  English nito ay winter melon, tinawag nilang winter melon dahil sa ibang bansa ay tinatanim ito during winter. May    iba pang katawagan ito ay white gourd o puting kalabasang ligaw, ash gourd o abong kalabasang ligaw, wax gourd o may pagkit na kalabasang ligaw, ay isang baging o halamang gumagapang na pinatutubo dahil sa napakalaki nitong prutas na kinakain bilang gulay.  

Masarap gawing juice ö inumin ang kundol, ang tawag dito ay “winter melon tea, sa ibang bansa tulad India, Bangladesh at Taiwan ginagawa nila  itong minatamis o candy.

Magandang ipagulay na nagpapasusong ina na wala pang gatas, dahil makakatulong itong magpagatas sa ina.

The seeds are cooked in milk and taken to increase "sperm count" and to improve sperm locomotion.

Mahimulmol, indangen kong sa Iranun pa, o nababalutan ng himulmol ang bunga ito kapag bata o mura pa. Subalit sa  pagsapit ng hustong gulang, naaalis ang mga buhok ng prutas at nagkakaroon ng mapagkit na balot, kaya't tinatawag na "mapagkit na kalabasang ligaw" at maaaring maiimbak ng matagalan na hindi nasisira.

Bagaman tinatawag ding milon ng taglamig o milon ng tagniyebe, bahagyang nakapanlilinlang ang pangalang ito dahil hindi ito isang matamis na prutas. Lumalaki na hanggang 1-2 mga metro ang haba ang kundol. Orihinal na inaalagaan ang kundol sa Timog-silangang Asya, ngunit malawakan na rin itong pinararami sa Silangang Asya at Timog Asya..

Tulad sa Upo, masarap din itong ihalo sa iba pang lutuin tulad ng manok, sugpo, isda.. at marami pang klaseng pagluluto, anyway abangan sa buhay-buhay sa presentasyon  ni Jeanetha.

Sa pagtatanim ng  kundol, at dahil   kahalintulad  din ito sa upo, gayahin ang papano itinatanim ang upo.

Kong gusto mong malalaki ang bunga, hayaan gumapang sa lupa, subalit ang nakaugalian natin ay pinagagapang sa balag .

Direct seeds din ang itatanim at ang distansiya ay  2 by 3/4 meter o 8 by 10 piye. 60 hanggang 80 araw ay magsisimula ng mamunga ang kundol.

Para sa gugulayin,  pitasin o anihin habang bata pa o nguda pa, sa pagkilanlan nito ay mahimul mol ang bata pang bunga o bunbulen. Tatagal ng 1-2 linggo bago malanta ang kundol. 
 
Para sa karagdagang kaalaman makipag-unayan sa opisina ng DA,

Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih  bukas abangan sa ganito ding oras   ang mga kapakipakinabang na ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..

(PLAY EXTRO)     


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento