(July
17, 2013-Miyerkules-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
Host ay si Ms. Lucy Duce)
Babasal (Kalabasa, Squash) |
LUCY: Ngayong
umaga ang tatalakayin naman ni Kaka Alih ay itong halaman na madaling buhayin
at masustansiyang gulay “daw”? ng mga Teduray at Renawon.. pakinggan natin ang detalye ng usaping ito, kong
bakit?
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang iyong
umaga? At ano namang tanim ang ibabahagi mo sa amin ngayong umaga na malamig?
ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba.. eh di gulay pa rin, subalit!!! ang gulay na pampapalakas!!! (LAUGHING)
But before anything else my
friend, allow me to greet you: Good morning ladies and gentlemen, especially to
Young Lady, (LAUGHING) magandang
umaga sa mga kapatid na magsasaka, na taga Kibleg, Kibucay at Mirab, sa mga kapatid
na nanampalataya sa Islam, (ang mga kapatid na Muslim), asssallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh.
Ngayon ay ika walong araw ng pag-pupuwasa o pag-aayuno sa buwan ng
Ramadan, ng ating mga kapatid na
nanampalataya sa Islam.
LUCY: Yes Kaka, kaya naman ang aking pagbati
muli ng "happy Ramadan".
ALIH: Maraming
salamat muli Kapatid na Lucy.
Buweno, matandaan ninyo
kahapon Kapatid, tinalakay natin ay ang lamang ugat, ang ube kapok..
Ngayon naman ay ang kapatid o kamag-anak ng Ube kapok.
LUCY: Sino
naman ang kamag-anak ni Ube Kapok, Kaka? (LAUGHING)
KAKA ALIH: Hahaha.. ha ikaw Lucy, you know na paano
magpatawa, ha.. good learning to me.. (LAUGHING) .. Ok Lucy may I introduced to …ang
Babasal. Na tawagin ng mga Pilipino ay kalabasa,
sa Ingles ay squash or pumpkin.
Ang Kalabasa o babasal ay
isang uri ng malaking gulay na tumutubo na katulad sa baging. Ito ay gumagapang
na halamang baging, na may malaking
bunga na kulay na pinaghalong narangha at dilaw.
Ang kalabasa ay kilalang
gulay na mayaman sa bitamina. Ang mga
sustansiyang makukuha sa kalabasa ay ang Bitamina C, A, K, E, Niacin, Bitamina B1, B2, B6,
Pantothenic acid , Folate, Potassium, Phosphorus, Magnesium, Calcium, Sodium,
Iron Zinc,
Narito ang ilang angkan
ng Babasal este mga uri o variety ng kalabasa:
Pang
tag-araw – White Bush Scallop o Patty Pan, Yellow Bush Scallop o Golden Custard, Yellow Crookneck, Yellow
Straightneck, Casera, Cocozelle, Zuchine.
Pang
taglamig – Table Queen, Des Maines, Butter nut, Turban, Marblehead.
Ang mga uring ito ay makatutubong mabuti sa
lupang lagkitin na hindi tinitigilan ng tubig. Maitatanim mula Abril hanggang Hunyo at mula
Setyembre hanggang Pebrero.
Kong hindi ka
nakapagtanim ng babasal o kalabasa narito ang Paraan ng Pagtatanim ng babasal.
1.
Araruhin at suyurin ang bukid na pagtatamnan.
2.
Tuwirang itanim ang 3-4 buto sa butas na tatlong
(3) sentimetrong lalim sa bawat tundos na may 1.5 metrong agwat sa hanay ng mga
tudling na 1.5 metrong pagitan.
3.
Pagkaraan ng isang linggo pagkatanim, bawasan
ang tanim sa bawat tundos, at mag-iwan lamang ng 2 malulusog.
4.
Magpatubig lamang sa katamtamang dami.
5.
Isagawa ang mababaw na pagbubungkal bago kumalat
ang mga baging sa lupa, upang mapanatiling buhaghag at mahalumigmig ang lupa at
hindi pati makatubo ang mga damo.
6.
Maglagay ng abono at hayaang gumapang sa lupa
ang mga baging. Magani habang mura pa ang mga bunga, bago tumigas ang balat.
May kalaban din angf
kalabasa ang “Yellow beetle” ang pinakamapaminsalang kulisap sa kalabasa. Upang mapuksa ito, bombahin ang mga pananim
ng Malathion. Kung laganap ang sakit ng kalabasa, maaaring gumamit
ng Manzate o Dithane.
Sa pagluluto, abangan na
lamang mamaya sa buhay-buhay 8:00-9:00 dahil may preparado si Jeanethe Momek,
ka tanim na kayo, este prepare na ang ballpen at papel na para matakenote, ng
di makalimutan ang recipe of the day…
Mga kapatid , ano pang
hinihintay natin, tanim na tayo ng babasal, dahil ito ay gulay na matibay,
matagal masira, at sigoradong may market ka nito..
Pansamantala ay
paused muna tayo sa araw na ito, but Insha Allah bukas sama-sama naman tayo…ito
po sng inyong Kaka Alih Sukran and wassallam..
LUCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahagi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento