Lunes, Hulyo 22, 2013

Bakit Hindi Nag-kakasundo-sundo ang mga Tao?


(Hulyo 23,  2013-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

Kong may problema sa pamilya dapat mag-usap-usap
huwag ng palalain, settle na agad, katulad ng pamilyang
ito na nag-memeting kong papaano patatagin ang kanilang
pagmamahalan at pagtutulungan. 
LUCY: “Kaibigan bakit kaya kong  minsan hindi    nagkakasundo-sundo  ang mga  tao? At kong minsan pa nga, ay nag-away-away na, na humahantong  sa sakitan at kong minsa ay   humantong na sa patayan?  bakit nga kaya?   Anong Dahilan?

(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.

KAKA ALIH : Magandang umaga din Lucy, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa lahat.. (ang  kapayapaan sasaatin nawa..)

Ang tanong mo  Lucy    ay, bakit    hindi nagkakaisa o nagkakasundo sundo  ang mga tao? nag-away-away sa sakitan at mayroon pang  humantong na sa patayan?  bakit nga ba Kaibigan ?

Ganito ang sagot ng isang kumpare minsan itanong natin ang kahantulad na tanong:“Ah na Kaka Ali, maraming dahilan  bakit nag-away away o hindi nagkakasundo  ang mga tao dito sa mundo.”  
Ang kuwento naman ng aking kaibigan  na Pastor:  “…ang away na ito Kaka, ay  nag-ugat pa sa mga unang tao na nilikha ng Diyos, nagsimula pa ito  sa mga anak ni Adan at ni  Eba, sinimulan  ito na ina Abel at ni  Cain.

Ok  konting replay  sa kuwento nina Cain at Abel sa Bibliya.  Ito ang kuwento ng dalawang magkapatid na parehong sumasamba sa Diyos o  parehong relihiyoso.

Ayon Bibliya, mas pinapaboran ang mga handog na sakripisyong hayop ni Abel kaysa sa mga alay na tanim ni Cain. Dahil dito, nagselos si Cain kay Abel at pinatay ito. Nalaman ito ng Diyos at pinalayas si Cain sa Hardin ng Eden. Biruin ninyo, dalawang magkapatid, nagselos yung isa at selos na matindi para makuha niyang patayin ang kanyang kapatid.

May halimbawa ako kaibigan,  na nangyari sa kasalukuyang panahon,  ang Ramgen Revilla case.

Maalaalaala ninyo?   di ba   ayon sa sinumpaang salaysay na sinumite ng abogado ni Janelle Manahan, ang nakaligtas na kasintahan ni Ramgen Revilla. Lumalabas na  matinding away ng mga magkakapatid na Revilla, ang maaaring dahilan kung bakit pinatay si Ramgen. May mga okasyon daw na pisikal na nananakit si Ramgen sa kanyang mga nakakabatang mga kapatid, kahit mga babae pa ito. May tsimis pa na nanutok pa raw ng baril, at nanakal. Istrikto raw kasi si Ramgen, kaya ganun ang kanyang mga pamamaraan para disiplinahin ang kanyang mga kapatid. May kinalaman din daw ang pera sa away ng magkakapatid.

Ang ibang dahilan na siya  ngayong ang uso,   na dahilan kong bakit hindi nagkakasundo kahit magkakapatid o magkakamag-anak.
 
LUCY: Bakit Kaka Alih, may uso-uso pa ba ang dahilan ng away?

KAKA: Of course naman, ang  pulitika! (PLAY LAUGHING) Yes, politics ito ang madalas  na dahilan,    politika o politics. Kaya  minarapat kong talakayin muli itong topic, dahil malaapit na ang October 28, Ang barangay election..

Ito pa ang isang dahilan na hindi pinagkakasunduan ng mga tao, karapatan sa lupang ninuno  o ang ancestral domain. Sa R’nawon at T’duray  ay tinatawag nila itong “pusaka inged” .

Tulad halimbawa sa ngayon, ang Bangsamoro ancestral domain, ang IP’s Ancestral domain, unti unti ng nawawala sa kanila, kaya dapat na maibalik na sa kanila ang pamamahala sa kanilang lupang ninuno. Alam ba ninyo na isa ito na dahilan kong bakit may mga nag-rerebelde sa goberno, dahil sa karapatan sa lupang ninuno.

Ang lupa sa ngayon ay mahalaga, kong wala kang lupa saan ka titira? Katunayan nga kahit konting bahagi lamang   ng lupa, kahit na daw yaong mohon lang  o pananda ng lupa at inilipat ng isang hakbang lamang,  ay pinag-aawayan  na yan ng magkakamag-anak.  Kong minsan  magkapatid  pa nga.

Dahil marahil sa dumarami ang tao at kinukulang ang lugar na dapat nating tirahan, kaya sigoro dapat ng ipatupad ang  RH o reproductive Health Law? (PLAY LAUGHING) 

Another reason kong bakit hindi nagkakasundo ay itong nalalabag ang karapatang pangtao o  human rights, isa ito sa mga matinding mga dahilan kong bakit mga nag-away-away ang  mga tao  sa ngayon:

“hindi nagkakasundo  ang mga tao tao    dahil  sa kulang sa kaalaman sa kanilang karapatan;”  ito naman ang paliwanag ni Atty Rolando “Anwar”  Chew.  “..maraming dahilan ang nagiging dahilan ng mga di pinagkakasunduan ng mga tao”  

LUCY: Kaka Alih, Papaano  lulutasin ang mga ganitong problema, na nag-away  away o hindi nagkakasundo ang mga tao?

KAKA ALIH: Ang solusyon sa mga ganitong  problema?  Sa problema  sa pulitika kinakailangan ang pairalin ang tunay na  pulitika, wlang dayaan, matuto tayong sumunod sa itinakda ng  batas, huwag ng palitan ang mga nakuhang  botante ng kandidato, at kong minsan kong sino ang  maliit ang boto ay siya pa ang naproklem.

Ayon naman kay Atty Rolando Anwar Chew, isang abogadong  Muslim sa Upi, “Ang sulosyon sa ganitong problema ay, alamin mo ang inyong karapatan  ayon  sa nakasaad sa  batas.”

Ang sabi  naman ni Ustadz Faizal Dacungan : “.. ang  paniniwala sa Poong Maykapal o Diyos ang pinaka-solusyon sa ganitong problema, ang  buhay ng tao ay pinahahalagaan  ng Allah  o  Diyos tayo pa  kayang tao? “

Para maiwasan ang di pagkakaunawaan ay ganito ang dapat gawin: “Kong  ikaw ay isang Kristiyano, sundin mo inyong Biblia at kong ikaw naman ay Muslim o nanampalataya sa Islam, sundin ang Sunnah at Qur’an.”  Payo naman ni Ustadz Ahmad.

Para sa  Gabay at Talakayang Pampamilya, ito ang inyong  Kaka Ali, ang inyong segment writer ,  na  naniniwala na ang may paniniwala sa Poong Lumikha, ay  mahirap makumbinsi ni Shaitan o Satanas na gumawa ng  masama, sapagkat ang Shaitan ang naguudyok sa tao  na gumawa ng masama, kaya itakwil natin  ang Shaitan o si Satanas.

Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatu.

LUCY:: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan, mga kapatid matuto tayong sumunod sa batas, ipairal sa tuwi-tuwi na ang respeto sa bawat isa, lalo na sa ating sarili, makamtan natin ang kapayapaan.


(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento