May handaan para naggraduate na anak |
(May 1,
2012-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay
–buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host
–Nineta Minted)
Host/NINETA:
“Sadyang maraming magagandang kaugalian nating mga Pilipino
na dapat alamin at panatilihin,
dahil ito ang nagsisilbing tatak nating bilang Pilipino, subalit mayroon din
mga negatibo o dapat baguhin, iyan ang tatalkayin ni Kaka Alih.. Mga
Sarisaring Kaugalian ng mga Pilipino”
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
NINETA:
Magandang umaga Kaka Alih..
KAKA
ALIH: Magandang umaga din Nits, Assallamu alaikum warahmatulahi wabarakatuh, sa
lahat.. (ang kapayapaan sasaatin nawa..)
Maraming
magagandang kaugalian ang mga Pilipino
na magandang panatilihin subalit mayron din mga kaugalian na
kinakailangan na linangin o baguhin dahil hindi na angkop sa ating kasalukuyang
panahon.
Pahayag
ng isang reteradong guro: “ Ang mga pinoy parents, give value sa education, tingnan nyo kahit sa
kariton lang nakatira o di kaya ay nagtitinda lang ng bituka ng manok sa
kalsada, ginagapang pa rin pag-aralin ang mga
anak.”
Tama
kayo diyan Maam, ang siste lang nito ay pag-high school o college na ang
bata ay di na ito makapagpapatuloy sa pag-aaral dahil di na kaya ng
magulang, lalo na ngayon na patuloy na pagtaas ng mga matrikula o tuition fees sa ating
mga paaralan sa bansa. Kulang ang pondo n gating goberno
sa pagbibigay suporta sa pagbibigay ng
sapat na edukasyon sa ating mga mamamayan, na hikahos sa kabuhayan.
Mayroon
din akong nabasa na negative naman na kaugalian ng mga
Pinoy, na dapat i-reformat o
baguhin, dahil may “virus”.. (LAUGHING)
what I mean hindi nakakabuti sa
pangkalahatan.
Ang mga
Pinoy, kasama na dito ang
Bangsamoro, ay pumupunta ng ibang bansa, para doon manilbihan o gamitin ang pinag-aralan. At ito
namang mga taga ibayong dagat ang tanging
kinukuha ay ang magagaling, halimbawa ay magaling na
Doctor, Engineer, planner etc.. ang natira sa atin ay mga
medium lang ang kaalaman…
NINETA:
Pero Kaka Alih, di natin sila gaanong masisi na pumupunta sa ibayong dagat
o nag-abroad dahil karampot lang ang suweldo kong dito mo gagamitin ang iyong natapos.
KAKA
ALIH: Sabagay tama ka diyan, Nits, dapat may ayuda an gating goberno, kong
papaano mapataas ang suweldo ng
ating mga manggagawa.
Heto
pa ang isang negative na kaugalian ng mga Pinoy kaya hindi umaasenso. Hindi umaasenso ang mga Pinoy
dahil daw puro tsismis o kwentuhan na l
ng at kayabangan magaling, pero kapag
kaharap na ang boss lalu't mga puti o foreigner ay hindi na makapag-salita..
(LAUGHING)
NINETA:
Kaka Alih, mayroon pa akong alam, na dapat baguhin, yaong crab mentality o inggit na inggit kapag
umaasenso yaong kasama, o kamag-anak.
KAKA
ALIH: Agree ako diyan. Heto ang isang share ng kaibigan natin: “ …ang Pinoy ay
malinis sa bahay, pero he doesn't care,
walang pakialam kung marumi ang
environment niya... tapon lang ng tapon ng basura kung saan saan. Nagiging
masinop lang sa basura kong andiyan ang garbage
enforcers..(LAUGHING)
Ok
Nits, balik tayo sa magagandang kaugalian ng mga Pinoy.. Ang isa sa mga
kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya.
Ang
mga Pinoy ay mapagmahal sa magulang, ito
ang tinatawag nilang close family ties
kahit may-asawa na nasa magulang pa rin.
NINETA:
Teka Ka Kaka Alih para yatang mali, yaong huli mong tinuran, “kahit may-asawa
na nasa magulang pa rin.”
KAKA
ALIH: hahahaha .. tama no? libre na
sila.. pero para lang yan sa mga anak na
batugan, tamad magtrabaho…
Pero
Nits, di naman masama ang pagbuklod buklod ng mga mag-anak. Ganito kasi yun Nits, Ang mag-anak o pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating
lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang
tao. Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang
pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng pamilya
ang isang anak, pilit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang
tahanan, gaano man kaliit ang bahay nila.
Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa
kanilang piling.
Ang
mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang
kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga
kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring
mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa
dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng
iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Ang
ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa
ekonomiya, bakit ikonomiya, ang ibang magulang sila ang bumubuhay sa kanilang
mga anak kahit na may pamilya na. Tulad ng sinabi natin kanina, medyo balikan ko lang kasi
marami ang tinatamaan.
Kong
bagong kasal ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, at kong
sakaling magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit sa bahay dahil
kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay
ng tulong.
Kong
minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang
negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa.
Ang
iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at
nasanay na nakadepende sa magulang. Ang
anak ay din a natutong tumayo sa sariling paa, kaya naman kahit halos pagluluto
ay di natutunan.
Kaya
asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad ay di man magkapatid
ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o
dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalababan sa isang position.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi
natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang
mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya …. Sa ating
programang buhay buhay sa DXUP Teleradyo.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and
Wassallam.
NINETA:
Maraming salamat Kaka Alih, sa magandang
presentasyon na yan, mga kapatid ating alamin at pag-aralan ang ating magagandang
kaugalin para sa ating kaunlaran.
(Play-
EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Note: Ang artikulong ito ay na-ipost na sa blog na DXUP.MULTIPLY.COM (dated May 1, 2012) at dahil nagsara na ang Multiply, ay minabuti ng Admin. na ipost muli sa bago nating blog: http://dxupteleradyo.blogspot.com/....(from admin: Alih Anso)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento