(July 22, 19, 2013-Sabado - Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang host ay si Ms. Lucy Duce.)
Patola |
LUCY: Gulay pa rin ang ibabahagi ni kaka Alih,
subalit sinigorado niya sa iyo Kaibigan na gulay pa rin na pampalakas, na nagbibigay sigla sa mga
magsasaka ang kanyang tatalakayin.
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka
Alih, kumusta naman ang iyong umaga?
ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba.. eh di
gulay pa rin tayo, at steady pa rin pa
rin tayo sa mga gulay na pampapalakas!!! (LAUGHING)
But before anything else, allow me to greet everybody, “Good morning, ladies and gentlemen” in
Filipino ay… magandang umaga….especially to all mga
kapatid na magsasaka, at sa mga kapatid
na nanampalataya sa Islam, o ang mga kapatid na Muslim, asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.
Ngayon ay ika labing apat (14) araw ng
Ramadan, ang buwan ng pag-pupuwasa o
pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim, and
because of that ay Happy Ramadan to all
brothers and sisters in Islam.
LUCY: Ang akin ding
pagbati ng "happy Ramadan" sa inyo Kaka at sa
lahat ng kapatid na Muslim.
ALIH: Maraming
salamat muli Kapatid na Lucy.
Buweno tulad ng nasabi
natin, pampalakas at pamapalusog na gulay ang ibabahagi ko ngayong umaga, ang
patola. Hindi yung kasabihan nila na “anak ng patola”..(LAUGHING) .. Bakit kaya may kasabihan na “anak ng patola”
mayroon pa, “pulis patola”… Anong meaning noon kasamang Lucy? ”..(LAUGHING)
LUCY: Para yatang ang ibig sabihin ay bagito o
kulang sa kaalaman.
KAKA ALIH: Hayun wala pang experience kong ganoon ”..(LAUGHING)
..
OK never that anak ng patola.. ”..(LAUGHING)
dito na tayo sa topic natin ang patola. patola
ay isang uri ng halamang baging o gumagapang na may mga mahahaba at
ma-anggulong bunga. Kahawig ito ng
pipino, medyo mahaba nga lang ang patola
kasya pipino, partikular na yung English cucumber ngunit may matigas na balat.
Sa Iranun ay tinatawag
nila itong barimbing.
Anong sustansya ang
makukuha sa patola?
Ang bunga ng patola ay
nakapagbibigay ng kalsyum, mineral at posporus. Ang patola ay low in calories
at ito ay mayaman sa pro-vitamin A, Vitamin C and Beta-Carotene na mahalaga sa
paningin, malusog na balat at sa ating tissue.
May dalawang uri ito ng
Patolang Kastila at Katutubong patola. Makatutubo
itong mabuti sa lupang lagkit at buhaghag.
Maitatanim ang patola sa buong taon.
Ang Paraan ng Pagtatanim
ng patola.
·
Pwedeng itanim sa paso ang patola katulad ito sa
upo. Subalit sa malawakang pagtatanim ay
araruhin at suyurin ang bukid nang maraming ulit. Itanim nang tuwiran sa mga
tudling ang 4-5 buto sa lalim na 2.5 sentimetro nang may isang metro ang agwat
sa mga tudling na isang metrong pagitan.
·
Mainam itong isagawa pagkatapos ng tag-ulan mula
Nobyembre hanggang Enero.
·
Maglinang o bungkalin ang paligid ng puno ng
tanim upang mabuhaghag ang lupa at
matabunan ang mga ugat.
·
Ang ibang nagtatanim ng patola na sa bakuran
lamang ay ginagawaan niia ito ng balag, o akyatan, para madali ang pagpitas sa
bunga.
·
Mag-alis ng damo kasabay ng pagbubungkal.
·
Kakailanganin ang 5-6 na kilong binhi para sa
isang ektarya. Ang dumi ng hayop at compost ang pinakamurang abono. Gumamit ng
400-500 kilong abono sa bawat ektarya.
Makapag-aani na
pagkaraan ng tatlong buwan. Ang ginugulay ay ang bata pa o malambot pa, kong
gulang ay di na mainam na lutuin, pagulangin na lamang para magamit muli ang buto nito.
Ang “leaf beetle” at
“fruitfly” ang mapaminsalang kulisap sa patola. Pwedeng mag-sparay ng Sevin o
Malathion upang mamatay ang mga kulisap na ito.
Sa pagluluto ng patola
ay abangan sa buhay-buhay doon tayo magluluto.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga
kapakipakinabang na ibabahagi na tiyak naming na pakikinabangan nating lahat.
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento