Miyerkules, Hulyo 24, 2013

Alamin ang iyong Mga Kaugalian o Tradisyon


(Hulyo 25, 2013 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host-Ms Lucy Duce)

Picture, picture, pag nagkita-kita ang mga magkakamag-anak, dahil halos lahat 
may celpon na di camera, ilan lang yan sa mga bagong kaugalian ng Pinoy
at ng mga Bangsamoro na rin.
 
LUCY: Ngayon umaga ay ating aalamin ang mga Kultura o tradisyon ng ibat-ibang Pilipino at mga Bangsamoro, dahil dito makakasama natin si   Kaka Alih, dahil medyo marami itong nalalaman kaysa sa amin na huli sa duyan, si Kapatid na Kaka Ali sa ating segment na:

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

LUCY: Magandang umaga Kaka..

KAKA ALIH:  Magandang umaga din Lucy, but konting request lang don’t say bad words..

LUCY:  Ha? Bakit may nasabi ba akong bad words Kaka?, so far wala akong matandaan?

KAKA ALIH: Anong wala? Eh Sinabi mong,v nauna ako sa duyan kaysa sa inyo, alam ko ang ibig sabihin noon,… ibig sabihin ay,… ako ang senior citizen dito sa DXUP? (PLAY LAUGHING) ..Lucy,  for your information  di pa ito matanda OY!!!, matured lang!  (PLAY LAUGHING).. baka nakalimutan mo ang kasabihan ng mga matatanda este mga ninuno natin, na “ang mais lalong tumatanda ay lalong tumitigas”.. (PLAY LAUGHING)

LUCY:  Ganoon ba Kaka, di ko pa alam yun ah.. hehehe..anyway,  sorry nakalimutan ko kasi na “balat sibuyas” ang may edad na.. (PLAY LAUGHING)

KAKA ALIH: Aray!!! Masakit yun ah. (PLAY LAUGHING) any way Lucy, kaming may edad na ay mapagpatawad naman, because sabi nga nila  we are  full of wisdom.

Hay naku, mga bata,  bago pa saan-san mapunta itong  usapan na ito ay , my greetings of peace to all listeners and viewers ..Assallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.. good morning to all listeners and viewers sa DXUP Teleradyo.

Ang introduction ni kasamang Lucy, aalamin natin ang mga kaugalian o tradisyon ng mga Pilipino at mga Bangsamoro. Ganito ko sisimulan ang usaping ito, magtatanong mo na ako.

Ano ba ang sinasabi nating kaugalian o tradisyon?

My answer: Sinasabi nila na  ang kaugalian o tradisyon ay ang mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga magulang, o ninuno nanailipat  sa mga anak nila, sa kanilang saling lahi.

Sa Pilipinas, sa mga  kaugalian na dapat di natin kalimutan ay  ang paghalik sa kamay ng mga nakakatanda o magulang. Ang mga ito ay Kaugnay din   ng mga salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian, simula, at pinamulihanan.  

 Ayon kay Jose Abriol, katumbas ang tradisyon ng pariralang sali't saling aral.

May nabasa ako, kanina  na ang  term na tradisyon,  ay madalas gamitin na may negatibong kahulugan sa pagtukoy sa mga kostumbre.  Na ayon sa kanila ay paniniwalang tinanggap daw na hindi na pinag-iisipan at ibinibigay sa bawa't saling lahi.
Ito ang nais ipapaniwala ng mga Fundamentalist  sa mga nais nilang papaniwalain sa kanilang paniniwala. Subalit hindi naman iyon totoo, di naman ganoon  kanegatibo,  ang kahulugan ng tradisyon.   

Nag-hanap  ako sa diksionaryo ng kahulugan, ganito ang sinasabi: "mga elemento ng kultura na pinagsasali't saling lahi".

Mapapansin natin  na idinidiin dito ang proseso ng pagbibigay sa bawa't saling lahi. Sa katotohana'y ang salitang Griyego na pinanggalingan ng salita na paradosis  ay nilikha mula sa isang pandiwa na ang ibig sabihi'y ipasa.  

May sumulat din na “Ang tradisyon ng mga Pilipino ay nagbago na ng malaki simula ng mauso ang mga gamit na elektronika o kaya kung tawagin ay  Gadget.”
 
Halimbawa nito, ha? Noong araw ay   kumanta ang mga magsasaka habang nagtatanim ng palay sa bukirin, pero ngayon bago na, din a siya kumakanta ang smart na selepono o celpon na lamang pinatutugtug, o kaya ay radio na may usb na lang ang pinatutugtog. (LAUGHING).

Hindi na naghaharana ang mga binata sa dalagang nililiyag, kundi   iimbitahin na lamang,  by text lang ha? O PM sa FB (LAUGHING) at yayain na magdate, mag-iinuman ang dinidilag na dalaga, tapos ay lalasingin ito upang ng sa ganun ay maipagtapat daw ang malinis niyang hangarin. (LAUGHING). Di pa tapos ang kuwento,  kapag nagkasundo na ang dalawa ay isasama na sa motel o kwarto ang dalaga at kung sa remote areas tulad ditto sa atin ay dadalhin nalang daw sa  kasagingan, upang doon ipakita nila sa isa't isa ang tunay na nararamdaman. (LAUGHING).

Aay naku talagang malaki na ang ipinagbago ng mundo ngayon, n gating mga kaugalian.

Ito pa ang bagong kaugalian natin, di baling  magdildil na lamang daw ng asin, basta makabili lang ng kahit second hand na selpon at makapaglod ng unlimited load daw, hoy hindi yan unlimited, kundi limited.. mayroong bang unlimited, walang limit na di ka makatawag o makatext sa ibang network..? (LAUGHING).

Heto pa Lucy ang sample na kaugalian nagbago na rin, noong araw daw, di ko kasi naabutan, kapag may anak kang babae ay hinuhubog natin ito sa mga trabahong bahay at tinuturuang gumalang at maging isang tunay na binibining Pilipina. Pero alam mo ba ngayon?

Ngayon, kapag may anak na babae ay hinahasa sa pag kanta at pag giling ng katawan , at ang latest daw ay gangnam style, (LAUGHING)..upang ng sa ganun ay makapag abroad agad sa ibang bansa. Mag japayuki? (LAUGHING).

Japayuki ?- ano po ba talaga ang ibig sabihin ng Japayuki? Bakit kapag narinig mo ang salitang Japayuki ay parang kakaiba sa pandinig ng tao. Negatibo na agad..Ang alam lang kasi natin,   kapag tinawag kang Japayuki ay nagtatrabaho ka bilang Entertainer sa Japan. Ang tanong   anong klase pong entertainment industry? 

“Kaka Aalih, hindi naman po lahat ng pumupunta  sa Japan para 'mag-japayuki' ay gumagawa ng masama. Ang trabaho lang naman ng  Japayuki ay isang entertainer sa club sa Japan.

Anong sinasabi ng dictionary? “Japayuki is the Tagalog slang word for Filipinos who are working, or who have worked in Japan. Specifically, this refers to Filipinas who have worked as "cultural dancers" Not all japayuki are prostiotute, yes agree ako diyan Lucy… kaya tigilan na nating mga Filipino ang mapanghusga, iyan ang kaugalian na dapat baguhin, mapanghusga tayo.

Heto pa ang isa Lucy, noong araw ay sa pagsapit   ng dilim, dapithapon o   alas-sais ng gabi ay nananalangin ang buong pamilya sa harap ng altar. Pero ano ngayon? , nasa kapit bahay si nanay, nakikipag inuman si tatay, at si ate nasaan si kuya?  nasaan kaya,...?  ang sagot ni busnso “ah basta bago mag hating gabi ay uuwi rin iyon”,  at kong minsan di maintindihan kong lango sa alak o .. basta nahihilo, lango ang sure. (LAUGHING)

Alam mo ninyo kaibigan na sa ngayon ay nahaharap  sa maraming pagbabago ang kulturang Pilipino, at of course kasama diyan ang Bangsamoro at Teduray/Lambangian.  

LUCY:  Napansin ko din yan Kaka Alih…

KAKA ALIH:  Salamat Lucy,  
Ang iba pang matandaan ko na kultura natin na mga Pilipino, Bangsamoro at Teduray sa pagiging malapit sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.

Madalas ay namumuhay o nakatira sa isang bubong ang buong pamilya na binubuo ng mag-asawa, kanilang mga anak at ilang pang mga kamag-anakan.    Sa ngayon yan,  ay may pagbabago na,  hindi lang nagbukod ng bahay kundi nangibang  bayan pa,  at mayroon  pa diyan  na nangibang bansa na.

Minsan dahil na rin sa paglulunsod o naging city, ang ibang mga bayan,  ang mga dati ay Barangay o municipyo (halimbawa nito ang Tacurong, Kidapawan)  ang ibang pamilya mula sa lalawigan nagtungo na sa mga lungsod,(marami daw kasi na opportunity doon) ang dating sama-samang magkakanak ay nagbunga  na rin ng pagsasarili.

Ang nagkalayu-layong angkan ay di na kasinlapit ng dati at di na rin gaanong magkakakilala, sabi ng kumapare ko, “… mabuti pareng Ali, may facebook nakilala ko  ang  lost relatives ko sa America na.” (LAUGHING)

Alam  mo  Lucy, ako mismo, tru to life story ito ha?   nakilala ko thru facebook ang  ibang membro  ng angkan ng  Iranun sa KotaBelud sa Malaysia, because of facebook. (LAUGHING).  Mga Apo ko at pamangkin nakilala ko sila thru facebook lang, tulad kagabi isang apo na nagtrabaho sa mall sa Maynila nakilala at nakuha ang address at phone number because nakaa chat ko…(LAUGHING)

Sabagay kahit ganito  na ang sitwasyon natin, masasabi pa ring  malakas   ang turingan ng angkan o pamilya,   ngunit ang pagbibigayan at pagmamalasakit sa membro ng pamilya ay unti-unting ng nawawala.

Heto pa ang isa  daw  sa matinding  pagbabago ng mga Pilipino,    pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan. Ang mga tungkuling dati ay nagagawa lamang ng mga lalaki sa larangan ng trabaho o posisyon ay nagagampanan na rin ng mga kababaihan. Patuloy na hinahangad ng mga kababaihan na maiukol ang pantay-pantay na pagtingin sa parehong kasarian. 

Kung kaya naman ngayon ay marami na ang mga ina ng tahanan na naghahanapbuhay di lamang makatulong sa gastusin ng pamilya ngunit para na rin sa pansariling pag-unlad. Dahil dito, ang mga inang nanunungkulan sa labas ng tahanan ay umaasa sa kanilang asawa upang makatuwang sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga ng kanilaang mga anak.

Dahil sa pagbabagong ito ay naapektuhan ang  personal na pag-uugnayan ng miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Dati rati ang  pinahahalagahang kaugalian ng pamilyang Pilipino tulad ng masayang pagsasama-sama, pagkakamustahan at pagkukuwentuhan pagsapit ng dapithapon ay tila napapalitan ng impersonal na pag-uugnayan at komunikasyon dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, text text  na lang daw o kaya chat chat na lang thru skype (LAUGHING).. 

Ang pagbabago ay  natural lamang daw, subalit dapat ay yaong pagbabago na nakakabuti  at hindi ang pagkariwara ng  sambayanang Pilipino, Bangsamoro at Teduray.

Kinakailangan pa rin  ang pag-aaral sa mga kaugalian, tradisyon at kultura natin, panatilihin ang nakakabuti at palitan  natin ang dapat idelete na, kalimutan na natin..

Ito po ang inyong  kapatid na Bangsamoro, si Kaka  Ali, Sukran.. Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

LUCY: Maraming  salamat Kaka Alih, sa magandang presentasyon na yan Kaka Alih sa muli,  muling abangan , ang isa pang paglalahad sa atin ni Kaka Alih. 


(Play- EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento