Martes, Hulyo 2, 2013

Dahon ng Sili, Pampagana sa Sex?

(July 3, 2013-Miyerkules-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang regular host ay si Ms. Lucy Duce)

LUCY: buweno  heto na ang ating segment na…
Siling labuyo nakatanim sa paso 

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi naman sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Miyerkules?

ALIH: Good morning Lucy, sa mga kapatid na magasaka, magandang umaga, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam at mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. Mga Kapatid Kasamang Lucy, ilang araw na lamang  ay fasting o puwasa na, papasok na ang Ramadan more or less ay sa  July 8 or 9.

LUCY: Ay tama ka pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan at muli naman kayong magpuwasa ng mga Kapatid na nanampalataya sa Islam, advance happy Ramadan.

ALIH: Sukran , salamat Lucy, ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Miyerkules?  Ok  simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang kanilang kaalaman.

Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang Pagtatanim at Pangangalaga pati na rin ang kahalagahan ng dahon ng sili.
Ikaw Lucy nasubukan mo bang mag-gulay ng dahon ng sili??

LUCY: Of course naman  Kaka Alih, bakit ano naman ang mayroon ang dahon ng sili.

ALIH: Good, alam mo Lucy, ano mang gulay,  na maging dahon, bunga o laman na  ginugulay natin at ito ay proven na maganda sa ating kalusugan.

Kaya naman napili ko tong mahalagang usapin. 

Simula noong Lunes, sinimulan ko sa kangkong kahapon ay talbos ng kamote, ang pangatlo sa 5 pangunahing gulay sa mga Pinoy na talaga namang siksik sa nutrisyon! ay ang dahon nga sili.

Konting  review lamang sa kahapon na topic ang  Talbos ng Kamote.

·        Tumutulong mapatay o mapigilan ang pagdami ng fungi at bacteria
·        Pinahuhupa ang namamagang balat o bahagi ng ilong, bibig at alamunan
·        Mayaman sa calories, Vitamin A at iron
·        May calcium at phosphorus
·        Tanging gulay na may iodine
·        Nagpapababa ng blood sugar at cholesterol
·        Nagsasaayos ng normal na pagdumi
·        Aphrodisiac (pampagana sa sex)

Ano naman sa Dahon ng Sili, ? Ang dahon ng sili ay:

·        Mayaman sa calcium at iron
·        May phosphorus, Vitamin A at B
·        Nagpapalakas ng resistensya
·        Panlaban sa sobrang pagod
·        Nagpapaganda ng panunaw
·        Naglilinis ng dugo at daloy nito
·        Panlaban sa rayuma
·        Nagpapababa ng blood pressure, blood sugar at cholesterol
·        Nagpapaginhawa ng pananakit ng sikmura, arthritis, varicose veins at puson
·        Nagpapaginhawa ng paghinga (asthma, ubo at sipon)
·        Aphrodisiac (pampagana sa sex)

Tulad sa talbos ng kamote bago ka magkaroon ng dahon ng sili, magtanim kam muna ng sili, kong tamad ka eh bumili ka na lang, ang hirap lang nito ay baka walang regular na supply sa market.  anyway dont worry very easy lang itanim ang sili at buhayin. tumutubo din ito sa ano mang klase ng lupa, tulad ng lupa natin dito sa Upi, huwag lang sa matubig na lugar.

 Bago pa tayo tumuloy kilalanin natin   siling labuyo  in English,  wild chili,  ay isang uring-linang   ng maliliit na sili  na karaniwang makikita sa Pilipinas. Ang iba pang lokal na tawag dito ay chileng bundok, siling palay, pasitis, pasite (Tagalog), katumbal, kitikot, siling kolikot (Bisaya), silit-diablo (Ilocano), lada, rimorimo (Bicolano), and paktin (Ifugao), Sa Iranun luya pesan.

Ang halamang siling labuyo ay isang pangmatagalang halaman na may maliliit, maanghang at patulis na mga bunga, karaniwang 2-3 sa isang buko. Ang mga bunga ng karamihang uri ay kulay pula, may ilang uri na kulay dilaw, lila o itim.

Sa mga supermarket sa Pilipinas, mayroon na ring mga pulang Thai pepper o siling bird's eye na karaniwang pinapangalanang siling labuyo sa mga etiketa nito, subalit ang mga ito ay ibang uri ng sili (espesyeng Capsicum annuum) na nagmula sa Taiwan. Sinasabing mas mahina ang taglay nitong anghang kumpara sa siling labuyo subalit mas pinipili ito ng mga magtitingi dahil mas mahaba ang tinatagal o shelf life nito.

Maliit man ang siling labuyo, nagtataglay naman ito ng matinding anghang. Naitala ito dati bilang ang pinakamaanghang na sili sa Guiness Book of World Records hanggang sa natuklasan na ang iba pang mas maaanghang na mga uri ng sili. Ang sukat ng anghang ng siling labuyo ay 80,000-100,000 yunit ayon sa Scoville scale subalit ito ay lubhang mababa kumpara sa sukat ng higit na maanghang na siling habañero.

Ang Siling labuyo is kind of sili or chili..mula sa buto tumutubo ang siling labuyo sa lupa..magkakaroon na  ito ng ugat at dahon.. pagkatapos ng ilang araw ito ay magiging halaman at mamumunga ito ng mga siling labuyo.....kong wala kayong area na mapagtataniman, pwede  din ito sa paso, kailangan lamang ang medyo may kalakihang paso.

Tips on Chili Planting with Maximum Yield

Garden Tips
Chili plants grow well in warm and sunny tropical climates, with loamy soil, abundant organic matters and plenty of well-drained water. They do not survive well in cold climates.

In Tropical Climate,  the sowing of seeds can be on any day the whole year round. Water once a day, gently, without displacing them. Sprouting takes place within one week! Transplanting could be done after four weeks when the seedlings are about three inches tall. They start bearing fruits around three months time.

To avoid infection, ensure plenty of sunshine and use of fertile soil, so that the plants grow healthily. That leaves less room for infection to be effective. This is similar to a healthy person being not so easily attacked by sickness

Care should be taken not to over-expose the plants to sunshine, either! Though plenty of sunshine pose a very conducive climate for growth, too much of it can burn the leaves causing sunscald. This will greatly reduce the fruit yield. To reduce sunscald effect, make-shift shades could be set up to cut down the sunshine.

In Cold Climate, chili plants grow very slowly and generally requires a long growing season. Chili plants need a minimum temperature of 17 C to thrive. Do not sow seeds outdoor during cold spells. Only six to eights weeks before the end of winter spells should one start sowing seeds indoor, and transplant on the onset of spring. It is best to warm up the soil by covering the soil with a sheet of black plastic, thick layers of newspapers, or by burying garden wastes around the roots.
                                                          
  Increasing Chili Yield
     
The number of chili pods borne by a chili tree will, at one stage, reach its maximum.
Therefore; to increase the yield during this maximum fruiting seasons, keep harvesting the fruits before they ripen fully on the plant and drop on the ground.
This would stimulate more flowering and fruiting while the fruiting mechanism in the plant try to maintain its maximum yield again.


Make sure the plant is healthy by manuring frequently. As an alternative to chemical fertilizers, garden wastes could be used. They can be withered leaves, grass, dead snails, prawn shelves and food remnants.

Dig circular tunnels around the roots, put in the garden wastes, then bury them with soil. Make sure not to hurt the roots. Constantly replenish the tunnel with new wastes to ensure good supply of nutrients to the plants

Tinolang manok
·        Manok
·        Dahon ng sili
·        Sibuyas,bawang,luya
·        Patis,magic sarap or vetsin at bunga ng papayang hilaw
·    Tubig na galing sa pangalawang pinaghugasan ng bigas, yun ang pangsabaw,

Procedure/Pamamaraan:

Igisa ang bawang sibuyas luya manok, at patis depende sa alat na gusto nyo,sangkutsahin pag medyo nagmantika na saka ilagay yung papaya, haluin ng kaunti at ilagay na yung pangsabaw, pag kumulo na, ilagay vetsin or magic sarap, at dahon ng sili. Pakuluin ng isang kulo pwede ng patayin ang apoy. at hmm  ang sarap lalo na kong malamig ng kanin... ang sarrrrappp.

Sukran si Kaka Alih po ito, wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..


(PLAY EXTRO)

1 komento:

  1. ano pong halaman ang pwede itanim gamit ang cutting









    TumugonBurahin