(Hulyo 26, 2013-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa
programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at
Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy Duce)
Hindi makatulog, dahil sa stress. |
(PLAY-INTRO - GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.
KAKA ALIH:
Magandang umaga din Lucy, at sa mga kapatid na nakikinig Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,
naman sa mga kapatid na Muslim, sa mga Nanampalataya sa Islam,.
Marahil Lucy,
mayroon kang kaibigan na ang naidadaing
o nirereklamo ay ay
ayaw dalawin ng antok, o minsan hindi makatulog.
LUCY: Tama ka diyan Kaka, may gamut ba diyan?.
KAKA ALIH: Of
course naman Lucy, mayroon, kaya makinig.
Dahil common
sickness na ang ganitong problema, ito ang napili natin na topic, heto nag-hanap
ako ng sulosyon sa problemang nasagap natin, thru internet.
Search ko sa
google search engine, ang hindi makatulog, laking pasasalamat natin, lumabas
kaagag ang sagot. Ang naging friend
natin sa Facebook at Blogs, na mag-asawang Dr. at Dra. Willie Ong, (ang
nagpadala sa ating mga babasahing aklat) ang naging sagot sa problema. Ito ang nagustuhan ko, sa may internet connection
ka, dahil sa new technology, sa isang
kisap mata may sagot kana sa mga tanong.
Ayon sa sinulat ni
Dr. Willie Ong, ganito ang nakasulat: “Dear Doc. Willie. Hirap akong makatulog.
Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang
mapapayo niyo? Umaasa, James”
Hayun similar ang
tanong sa atin sa tanong din kay Dr. Willie Ong.
Heto ang sagot ni Doc Willie Ong:
“Ang pagtulog ay
isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na
makatulog ng mahimbing.”
Kapatid kong may
problema ka sa pagtulog o kong wala
pa naman, makinig ka parin
anong malay baka bukas, maranasan
mo ang nararanasan ng kaibigan ni Kaka Ali at James.
Kapatid heto na
ang mga payo ni Doctor, Willie Ong.
“1) Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog.
Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay
nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.”
Kaka, Papaano ang
favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend, Eh
simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog,
ang iportante sabi ni Dok sanayin ang
oras sa pagtulog.
“2) Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o
magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukuo ang tiyan dahil sa gutom. Umiwas din
sa maaanghang o spicy foods bago matulog.
3) Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana
ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog.
4) Magkaroon ng regular na ehersisyo.
Masarap matulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap
ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.
Kaibigan pwede
kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.
5) Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising
kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.
6) Umiwas din sa pag-inom ng alak. Marami
ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa
ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.
7) Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito
na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan.
8) Huwag magtrabaho pagkalampas ng 6 ng
gabi. Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.
9) Mag-relax bago matulog. Puwede kang
manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.
Kaibigan,
mayroon nakaka na payo si Dok Willie, at alam ko magugustuhan mo na
rin katulad ng kumpare ko,.
Makakatulong daw ang makipag-sex sa gabi sa inyong asawa.
Ayon sa study, na
isinagawa ang mga expert, nakatatanggal daw
ng stress ang pagtatalik, sa ating mga asawa..(LAUGHING).
LUCY: Papaano
Kaka ang walang asawa?
KAKA: A nana
mag-asawa, kong wala ng asawa, o hindi pa nakapag asawa,laktawan na lang itong
payo number 9 ni Doc Willie Ong. (LAUGHING).
Ano ba yan, balikan
natin si Doc, ang sabi Doc Willie: “Nagiging mahimbing din ang pag-tulog ng tao
pagkatapos ng sex.. (LAUGHING).
Pare Walang
malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).
10) Ilayo
ang mga relos O ALARM CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na
tumutunog kada oras. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa
nakatulog.
Gumamit ng celpon
bilang alarm clock, speaking of celpon, nakakadistobo din ang celpon, kaya
pwedeng OFF muna, para wala ng txt o call.
11) Huwag mag-schedule ng maagang meeting. Kung
alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi.
Normal lang po ito dahil excited ka.
12) Gawing matahimik at komportable ang iyong
tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA
NA MAINGAY. Itali ang asong tahol ng
tahol, pakainin baka gutom na yan. Patulugin na si beybi. Gawing madilim ang
silid. Ang hirap nito baka iba ang interpretasayon ni Mr… (LAUGHING).
13) Bumili ng komportableng kama, unan at kumot.
MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT, abangan yaong mga Bombay na nagpapautang. (LAUGHING)..
Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok. At ligtas ka pa sa kagat
ng dengue.
14) Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama
po ito sa kalusugan at puwede kang
magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umikot-ikot paitaas
ang hangin.
15) Uminom ng mainit na gatas o sopas bago
matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi. Ang saging ay may tryptophan
na nakakaantok.
16) Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at
pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin
sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.
17) At siyempre, huwag kalimutan magdasal Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na
ang bahala lumutas nito. SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO HALIMBAWA
“SUBAHANALLAH”,“ALLAH AKBAR”, “ALHAMDULLLILAH”…Ang isa pa na sinabi ni
Ustadz, “Magbasa tayo ng Quran”, lalo
kong Ramadan, times 70 na hasana ang reward mo sa bawat titik o letra na
mababasa.
SA MGA KRISTIYANO naman
ay Magdasal ng ganito: “Diyos ko, gawin mo pong maganda ang araw na ito para sa
akin at pamilya. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan.
Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay.
Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng
malakas at masaya, magagawa ko na po ang pinagagawa mo sa akin. Amen.”
Ito po ang inyong
Kapatid na si Kaka Ali
na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan,
katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW: “Seek knowldege from the cradle to the grave”
(hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.)
Sa susunod lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating
segment na gabay at talakayang pampamilya,..
Sukran and Wassallam
LUCY: Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan ang
mga makabuluhan at punong puno na kaalaman na sadya niresearch at sinulat ni
Kaka Alih, at sinisigoro ko sa inyo maaaliw pa kayo, basta si Kaka Ali, nakakasigoro ka.
(PLAY-EXTRO- GABAY
AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento