Martes, Hulyo 16, 2013

Pangalagaan ang Mga Ibat-ibang Nilikha sa ating Kapaligiran, Para sa Salin Lahi…

Dati ito ay mangrove, ngayon ay fishpond na...(location: Sitio Banisilan,
Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao)
 (July 17, 2013, - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host Lucy Duce)–
Host/LUCY: Alam ba ninyo ano ibig sabihin ng bio-diversity?  Ang title ng sinulat ni Kaka Alih at ibabahagi ay  Pangalagaan ang Mga Ibat-ibang Nilikha sa ating Kapaligiran, Para sa Salin Lahi… mayroon kayang kaugnayan an gating tanong?  Ang kasagutan sa ating tanong ay maririnig sa kabuuan n gating segment na:  
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Host/LUCY: Magandang umaga Kaka Alih.        
ALIH:   Magandang umaga din Lucy, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa  mga kapatid na Muslim, ika walong  araw ng pag-puwasa o pag-aayuno ng mga kapatid na Nanampalataya sa Islam, o ang mga kapatid na Muslim.
Host/LUCY: Ang aking pakikiisa sa inyo na mga Kapatid na Muslim, happy Ramadan.
KAKA: Maraming salamat Lucy, ..
              
Marami sa ating mga Pilipino ang hindi masyado nakaka-alam ang ukol sa konsepto ng biodiversity. 

Dati ito ay mangrove, ngayon ay fishpond na...(location: Sitio Banisilan,
Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao)
Ang biodiversity ayon kay Director Rolando A. Inciong ng ASEAN Center for Biodiversity.:”…ang ‘biodiversity’ ay kinabibilangan ng iba’t-ibang bagay na may buhay at ang kanilang pinagmulan. Kabilang dito ang lahat ng mga katutubong halaman at mga hayop; mga proseso ng kanilang pananatili sa daigdig, na ang kanilang pagkasira at pagkawala ay nakakapagbago sa kalagayan ng kapaligiran. Ang pagbabago, pagkawala o pagkasira ng iba’t-ibang buhay na ito ang nagiging sanhi ng pagbabago ng kapaligiran tulad ng mabilis na pagtaas ng temperatura ng kapaligiran, pagbabago sa panahon ng tag-ulan at tag-araw at maging sa pagtaas at pagbaba ng lebel ng tubig sa mga lawa at karagatan.”

Mga kapatid na nakikinig at nanoood, ang biodiversity ay ang pinaka-importanteng yaman  ng ating bansa. Ito ay hindi lamang nagpapakita ng yabong at ganda ng ating kalikasan, ito rin ang pinanggagalingan ng mga pagkain nating lahat.

Ang masaklap ditto ay mangilan-ngilan  lamang   ang may tunay na pakialam sa angking yaman ng ating kapaligiran.

Hindi mo baa lam kapatid na ang biodiversity ng ating kapaligiran ay susi sa ating kinabukasan?

Kung hindi natin ito mapangalaagan o mapanatili at mapapayabong, tayo mismo ang kikitil sa buhay ng mga susunond na henerasyon.

Isang ebidensya ng ating kapabayaan sa ating biodiversity ay ang pagkawala o depletion ng ating forest cover, ng mga punong kahoy sa ating mga kabundukan, sa mga baybaying dagat o ang mga bakawan.
 
Waroy sa Iranun (mushroom) na kusang tumutubo sa mga
damuhan, na panahon ng anihan daw lumalabas.
Sa pagtataya, kahit pa tayo ay magkaroon ng reforestation o muling pagtatanim sa maraming lugar kung saan ang mga kakahuyan ay nakalbo na,  hindi na natin maibabalik ang mga lahi o species na naging extinct,  kasama ng mga mga punong  naputol na dahil lamang sa illegal logging, pagkakaingin o pagmimina.

May mga pagsusuri na nagsasabi na ang primary forest ng bansa ay naging 6% na lamang. Ang iba, sinasabi na 3% na lamang ito. Ano ba ang naging ganansya para sa atin ng pagkawala ng ating kakahuyan?

Kapatid , sadyang mahalaga ang bahaging ginagampanan ng biodiversity sa pagpapatuloy ng buhay sa mundo. 

Ang biodiversity, ayon sa United Nations Convention on Biological Diversity, ay tumutukoy sa “variability among living organisms from all sources, including, 'inter alia', terrestrial, marine, and other aquatic ecosystems, and the ecological complexes of which they are part: this includes diversity within species, between species and of ecosystems". In other words, ay lalong maraming buhay na organismo sa isang lugar, mas makabubuti sa atin.

Kasali na rin sa biodiversity ang klima at ang tao – at malaki ang epekto ng mga ito  sa ating biodiversity.  Bilang halimbawa, ang mga bansang nasa tropiko gaya ng bansa natin, ay mas maraming makikitang iba’t ibang klase ng organismo o buhay kaysa sa mga bansa na nasa malalamig na lugar. Kaya’t anumang pagbabago sa klima ay may malaking epekto sa ating biodiversity.

Sa patuloy na pag-init ng mundo, pinangangambahan din na magkakaroon nang pagbabago sa ating biodiversity. Ang problema ngayon ay kung makaka-adapt kaagad ang ating biodiversity sa pagbabagong ito. 

Nag-aalala ang mga siyentipiko na dahil sa pagbabago nang klima, maaaring maraming mawalang organismo, halaman at hayop kung saan nanggagaling ang ating pagkain, gamot at iba pang sangkap na kailangan natin para tayo ay mabuhay.

Dagdag pa sa pagbabago ng klima ang lumalaking populasyon natin. Mas maraming tao, mas malaki ang pangangailangan sa biodiversity.

May mga paraan naman para mapangalagaan natin ang ating biodiversity.  Una na riyan ay ang pagtatanim ng puno at halaman sa mga bakanteng lupa.  Ang mga puno at halaman ay nagiging tirahan ng mga insekto at iba pang hayop bukod pa sa tulong nito sa paglilinis ng hangin at pagpapaganda sa kondisyon ng lupa at tubig. 

Huwag na huwag gagamit ng mga pesticides o chemical fertilizers para sa inyong mga tanim dahil pinapatay nito ang mga organismo at insekto na nakatutulong sa atin.  Gumamit na lang kayo ng compost fertilizer.  Wala pa kayong gastos.

Isagawa rin natin ang sustainable use ng ating mga likas na yaman kung saan nanggagaling ang mga materyales na kailangan ng industriya.  Halimbawa, kung naggo-grocery kayo, bilihin ang mga sustainably produced food products o mga organic products.  May konting kataasan nga lang sa presyo, pero makatutulong din ito para sa ating mabuting kalusugan.

Ugaliin din ang pagre-recycle at paggamit ulit ng mga bagay na pwede pang pakinabangan.  Higit sa lahat, bawasan ang ating mga basura.

Ilan lamang po iyan sa mga pamamaraan na pwede ninyong gawin para makatulong na panatilihing malusog ang ating biodiversity o n gating kalikasan. 
.
Ito po ang inyong Kapatid si Kaka   Alih,  Kapatid, bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya,  Sukran and Wassallam.
Host/LUCY: Maraming salamat Kaka Alih sa magandang aral na  ibinahagi mo  ngayong umaga.  

(EXTRO- Gabay at Talakayang Pamapamilya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento