(July
10, 2013-Huwebes-Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
host
ay si Ms. Lucy Duce)
Dahon at bunga ng Ampalaya |
LUCY: Mura
at masustansiyang pagkain pa rin ang ibabahagi ni Kaka Alih.. Ampalaya ang
gulay na, gamot pa, at of course sinisiguro ko sa inyo na makaka talaga sa inyo, dahil basta si Kaka Ali, siguradong
di ka malulugi sa oras mo, buweno heto
na ang ating segment na…
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY:
Magandang umaga Kaka.
ALIH: Hahahaha.. Good morning Lucy, magandang umaga sa mga
kapatid na magasaka, , sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga
kapatid na Muslim, asssallamu alaikum
warahamatulahi wabarakatuh.
ALIH: Maraming salamat Kapatid na Lucy. Ano ang
aking ibabahagi sa ating madlang
nakikinig ngayong umaga ng Martes?
simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian
natin, kundi dadagdagan lang natin ang kaalaman ng ating mga madlang nakikinig, lalo
na yaong mga taga Nangi at Darugao.
LUCY: Of course naman Kaka Alih, hindi kumpleto ang kainan ng
pamilya pag wala ang ulam na gulay.
ALIH: Ang ampalaya ay may siyentipikong pangalan na
Momordica Charantia
Ampalaya, Bitter melon,
papailla, melao de sao caetano, bittergourd, sorosi, a'jayib al maasi,
assorossie, balsam apple, balsam pear, chin li chih, ejinrin gule khandan,
fu-kua, karela, k'u kua kurela, kor-kuey, ku gua, lai p'u t'ao, pava-aki,
salsamino, sorci, sorossi, sorossie, sorossies, pare, peria laut, peria ampalaya
o amargoso sa Ingles: balsam apple, bitter gourd o bitter melon, while sa Iranun
ay Parya…
Ang ampalaya ay isang
uri ng gulay na tumutubo sa mga tropikal na bansa tulad ng Pilipinas at iba
pang parte sa Asya at Timog Amerika.. Mayroon itong makulubot na balat at
mapait sa panlasa kapag kinain. Mayroong mga amaplayang nasa lata na bago
ipagbili ng mga tindahan…of course maapait ang lasa nito.
Unahin natin ang
ampalaya bilang ulam o gulay.
1.
Ang ampalaya ay kadalasang isinasahog sa mga
ulam tulad ng pinakbet, isang bantog na luto ng gulay sa Pilipinas na may
kasamang ibat't-ibang gulay tulad ng okra, talong, sitaw, kamatis, kalabasa at
bagoong.
2.
Ginagamit din ang ampalaya bilang
ensalada--ibinababad ang bunga sa suka at asin kasama ang sibuyas at kamatis.
3.
Ang ginisang ampalaya na may itlog ay isa rin sa
mga paboritong ulam ng mga Pilipino. Iginigisa ang maninipis na hiwa ng
ampalaya sa bawang, sibuyas at kamatis at pagkatapos ay inihahalo ang binating
itlog sa ginisang ampalaya.
Ang ampalaya bilang halamang-gamot,
ayon sa mga pananaliksik:
1.
ang ampalaya ay mabisang panglunas sa sakit na
diyabetes.
2.
Sa wastong pagkain at dosi ng ampalaya, ito ay
makatutulong sa pagtaaas ng produksyon ng beta cells ng lapay (pancreas).
3.
Bilang resulta, pinagbubuti ang abilidad ng
ating katawan na gumawa ng insulin, ang pumipigil sa pagtaas ng blood sugar ng
mga diyabetiko.
4.
Gamot ito para sa mga taong anemik dahil sa
katangian nitong makapagdagdag ng dugo sa katawan
5.
Ang ampalaya ay nairekomenda ng Kagawaran ng
Kalusugan bilang isa sa mga pinaka-epektibong halamang-gamot dahil sa kakayahan
nitong makapagbigay-lunas sa sakit sa atay, diyabetes at HIV.
6.
Ito ay isa sa karaniwang halamang-gamot na
ginagamit sa bansang Tsina.
7.
Sa Pilipinas, ang mga dahon nito ay kadalasang
ginagamit na panglunas sa ubo, sakit sa balat, pagkabaog ng mga babae, pamurga,
at pampababa ng lagnat.
8.
Maliban sa pagkakaroon nito ng kakayahang
makapagpagaling, ang ampalaya rin ay nagtataglay ng maraming bitamina at
mineral, sa humigit-kumulang isang tasa (93 grams):
Ganito ang paghahanda o Preparasyon
bilang gamut ang ampalaya:
1.
Uminom ng isang kutsara ng katas ng dahon ng
ampalaya para sa mga may ubo, lagnat, nagpupurga, at nagtatae.
2.
Itapal ang mainit-init na dahon ng ampalaya sa
bahagi ng balat na may sugat, paso at iba pang sakit sa balat gayun din sa noo
kapag masakit ang ulo.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagsasaka..
(PLAY EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento