Martes, Hulyo 2, 2013

Talbos ng Kamote, pangunahing gulay ng mga Pinoy na talaga namang siksik sa nutrisyon!

(July 2, 2013-Martes-Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce)

LUCY: Kahapon  ibinahagi sa atin ni Kaka Alih ay ang kangkong, ngayong araw ano naman kaya, ano man yun, sinisiguro ko sa inyo na makaka...  talaga sa inyo, dahil basta si Kaka Ali, sigoradong di ka malulugi sa oras mo, buweno  heto na ang ating segment na…

(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY: Magandang umaga Good morning Kaka, ano ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Martes, kahapon a y tinakam mo kami sa inyong kangkong, huwag momng sabihin na palalawayin mo naman kami sa umagang ito, ng gulay?

ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano ba nga ba.. Talbos naman ng kamote, ang itatanim natin at lulutuin, sa malamig na umagang ito....but before the show will go on, may I greet our viewers and listerners, especially the farmers... hahahah marunong na akong mag-English...

Good morning Lucy, magandang umaga sa mga kapatid na magasaka, , sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, ang mga kapatid na Muslim,  asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh. 

At reminders ko lang malapit na ang fasting o puwasa, papasok ang Ramadan sa July 8 or 9.

LUCY:  Ay tama nga pala Kaka Alih, malapit na ang Ramadan at muli naman kayong magpuwasa na mga Muslim, mga Nanamplataya sa Islam, ang aking maagang pagpupugay ng "happy Ramadan".

ALIH: Maraming salamat Kapatid na Lucy. Ang tanong mo kanina ayano ang aking  ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong umaga ng Martes?  Kaahapon ay Kangkong, tulad ng dati    simple lang naman, hindi muna natin babaguhin ng bigla ang nakaugalian natin, kundi dadagdagan lang natin ang   kaalaman ng ating mga madlang nakikinig, lalo na yaong mga taga Nangi at Darugao.

Ang ibabahagi ko ngayon sa ating madlang nakikinig ay ang Pagtatanim,  Pangangalaga at may bunos pa pagluluto ng mga gulay. . (LAUGHING).
Hey hey my friend huwag pagtawanan ang gulay, di mo ba alam na wala pang magsasaka na hindi nag-gugulay? Ikaw Lucy nag-gugulay ka din ba?

NANCY:  Of course naman  Kaka Alih, hindi kumpleto ang kainan ng pamilya pag wala ang ulam na gulay

ALIH: Kitam, oh di makinig my friend , para magets mo.. (LAUGHING). Ano mang gulay,  na maging dahon, bunga o laman ay ginugulay natin dahil ito ay proven na maganda sa ating kalusugan. Maraming sangkap na bitamina o nutients ang mga gulay, lao na kong ito ay presko o bagong pitas o harvest.

kahapon, araw ng Lunes ating ng binanggit ang  5 pangunahing gulay sa mga Pinoy na talaga namang siksik sa nutrisyon!

Una na nating naipresent sa inyo ang Kangkong.

Na ang Kangkong ay mataas ang S-methyl Methionine na ginagamit sa sakit sa sikmura at tiyan.    Mayaman ito sa Vitamin A para sa pagpapalinaw ng   paningin at pampakinis na balat  at sagana rin sa Iron para sa anemia  at sabi ni Lucy ay mainam laban sa altapresyon. Right?

LUCY: Tama Kaka, correct ka diyan.
Kamote

ALIH:  Ok may freind, pangalawang pangunahing gulay ng mga Pinoy, kasama na diyan ang Bangsamoro.. ang Talbos ng Kamote.

PERO BAGO MAGKAROON NG TALBOS NG KAMOTE, kailangan magtanim ka muna ng kamote, dahil doon nanggagaling ang talbos... (LAUGHING) ang kamote ay nagtataglay ng antioxidants na nagpapabagal sa pagtanda ng tao. Mayroong din itong protina, calcium, mayaman sa fiber at nakakatulong sa pag-iwas sa sakit na diabetes at cancer.

Ang ganda ng tanim na kamote ay kahit may kalamidad ay hindi ito nasisira, huwag lang abutin ng pagtaas ng tubig o baha. 

mainam na itanim ang kamote sa sandy loam na lupa, sabagay kahit anong klasing lupa tumutubo ang kamote , huwag lang may tubig.  pwede ding itanim sa paso, pero ito ay gagapang sa labas ng paso, umaabot ng ilang metro ang ginagapangan ng katawan nito.

Ang itinatanim ay ang talbos nito o bahagi ng stem nito, tulad sa kangkong...

Why talbos ng kamote? because, ang talbos ng kamote ay:
·        Tumutulong mapatay o mapigilan ang pagdami ng fungi at bacteria
·        Pinahuhupa ang namamagang balat o bahagi ng ilong, bibig at alamunan
·        Mayaman sa calories, Vitamin A at iron
·        May calcium at phosphorus
·        Tanging gulay na may iodine
·        Nagpapababa ng blood sugar at cholesterol
·        Nagsasaayos ng normal na pagdumi
·        Aphrodisiac o pampagana sa sex  (LAUGHING)

sinabi natin na healthy drind ang talbos ng kamote.
Narito  ang pag-gawa ng  Talbos ng Kamote as Healthy drink:

Ang kailangan mo ay:
·        2 cups ng  talbos ng kamote
·        6 piraso ng  kalamansi  
·        6 table spoon na asukal
·        2 cups ng tubig

Pamamaraan/Procedure:

·        Clean the talbos ng kamote (Linisin ang talbos ng kamote)
·        Ilagay ang  talbos ng kamote in 2 cups of water.
·        Boil o pakuluan ng    10-15 minutes and the water will turn green.
·        Add the calamansi and stir with the water as it turn pink.
·        Stir in the sugar.
At medyo malamig na, Drink and enjoy the juice! (LAUGHING)


Sa susunod na presntasyon ay  ang: Dahon ng Sili, Malunggay, Saluyot at marami pang iba, basta abangan lamang ninyo, at mapapalaway naman kayo...
Sukran si Kaka Alih po to wassallam..

LUCY: Iyan si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento