Ang dalamapsigan ng Moro gulf..https://www.facebook.com/photo.php?fbid 615388575143461&set=a.615375041811481.1073741826.100000169717649&type=3&theater |
Pagbabago
ng Kalagayan ng Panahon
(July 24, 2013 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih
Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na
“Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Ms Lucy Duce)
LUCY: Dahil sa pagkasira ng Kalikasan natin,
ang klima ay pabago-bago, ng wala sa
panahon, ito ang nadiskubre ng mga eksperto, bakit kaya? ating pakinggan si Kaka Ali,
sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya, ng masagot ang
tanong .
(Play-
Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya.)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih,
totoo ba na, kaya pabago-bago ang kalagayan ng panahon?
KAKA ALIH: Yes Lucy, ang
sagot ko sa tanong mo Lucy, pero yun ay
magpupugay mo ako sa madlang nanonood at naakikinig sa ating programang
pampamilya, buhay-buhay.. ang aking pagbati ng Assallamu Alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Magandang umaga sa kanilang lahat.
Alam mo Lucy, kahit ako ay nagtataka na kahit
sa panahon ng tag-init ay may mga malakas at pagbahang nagaganap na may karugtong PA na pag-guho ng lupa.
May mga bagyong nangayayari na sumisira na ng
mga ari-arian at pumapatay pa sa maraming mga kababayan natin, pati na ang mg
alagang hayop at tanim..
Kahit na alam natin na panahon ng tag-init,
ay umuulan, o tag-ulan na panahon ngunit, tigang na tigang ang ibang bahagi
ng bansa. Di ba kayo nagtataka? Bakit?
“Dahil sa pagkasira ng Kalikasan ang klima ay
pabago-bago ng wala sa panahon,” ito ang
nadiskubre ng mga dalubhasa sa pagbabago
ng panahon, ayon sa kanila, ito ay dahil
sa pag-sira ng ating kalikasan, n
gating kapaligiran..
Ikaw kapatid napansin mo ba na unang buwan pa lamang ng taon ay tag-ulan na? Na hindi naman dapat, di ba sa buwan pa ng Hunyo
ang buhos ng ulan?
Dahil sa pabago-bago ng panahon, hindi na tuloy natin nararamdaman ang sarap ng malamig na
hangin dulot ng “buntot ng malamig na harapan” o tail of a cold front dahil naging abnormal na ang lagay ng panahon
sa ngayon.
Alam mo Lucy, ang natatandaan ko buwan ng
Marso, hanggang Mayo ay dry season, ito
ang summer vacation namin noon.
Matandaan ko pa na pagpasok pa lamang ng
Marso noon, marami na ang nagpupunta sa mga resorts o sa mga beach, para
maranasan lang ang sarap at ginhawang dulot ng malamig na tubig dagat o
swimming pool.
Subalit napansin mo Lucy? Unang buwan pa lamang ng taon, panay na ang ulan at di lang basta ulan, binabaha pa ang mga ilang lungsod at bayan dahil hindi
lang basta ambon kundi buhos nang todo-tod ang ulan. Na may bunos pang bagyo…(LAUGHING)
“Nagbago na talaga ang panahon.” Himutok ni
Lolo Tasyo. Ang sukli ko kay Lolo Tasyo: “Tulad ng pagbabago ng tao yan Lolo Tasyo”.
(LAUGHING)
LUCY: Bakit paabago-bago ang panahon Kaka Alih?
KAKA ALIH: Dahil sa
global warming! Kasamang Lucy, iyan din ang kasagutan ng isang resource person sa seminar, ng itanong
ko ang kahalintulad sa tanong mo
Lucy.
Yes Kaibigan, global warming, ang sagot sa tanong “Bakit
paabago-bago ang panahon?”
Di ba marami na tayong naririnig na mga balita na nagbibigay ng babala tungkol sa
global warming.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng global warming?
, o ang pag-init ng mundo?
Ayon sa
http://tl.wikipedia.org/ ay sinasabi nito:
“Ang
pag-init ng mundo ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura
ng himpapawid at mga karagatan sa buong mundo.
Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang temperatura sa
loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa
siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa
ng tao.” Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse
gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot
ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi
ng pag-init ng mundo.”
Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang
temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng
karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga
pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang
kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves),
bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng
mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa
pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon hanggang
taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot
ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa
himpapawid.
Teka, bakit nga ba umiinit ang mundo?
Ang sagot ng aming resource person ay: “ Sir,
dahil sa nabubuong Carbon Dioxide
sa ating atmosphere at ang resulta ay nagiging isang malaking harang para lumabas ang init na binibigay ng
araw sa mundo.
”
LUCY: Bakit nga ba napupuno o kumakapal ang
Carbon Dioxide?
KAKA ALIH: Ok bakit
kumakapal ang CO2? Alamin muna natin ano ang carbon dioxide.
Ang carbon dioxide ay gawa sa isang atomong
karbon at dalawang atomong oksiheno (oxygen) . Ang pormulang kimikal ng carbon
dioxide ay CO2. Ang tao ay naglalabas ng carbon dioxide, inilalabas
sa pamamagitan ng hininga.
Kapag may apoy, gumagawa rin ng Karbong
dioksido. Kailangan ng carbon dioxide ang mga halaman para gumawa ng pagkain.. Sa
simula pa lang ng 1800 CE, isa isa ng kumalat ang mga industriya na kadalasan ay may binubuga na usok mula sa
kanilang pabrika. At hindi nababawasan dangan pa nga ay lalong dumarami ang mga
makinaryang bumubuga ng usok.
Hindi naman natin pwede sisihin ang mga
modernized country o umuunlad ng mga bansa,
dahil kahit mismong tayong indibidwal o tao ay may kamalian din na ginagawa. Sa ngayon ay halos hindi na tayo makagalaw
kong walang makina na pawang bumubuga ng usok, na
magagamit. Biruin mo, hanggang sa pag-luluto ng ating mga pagkain ay
makina ang ating ginagamit.
Ayon pa rin pananaliksik, ang dagat ay may natural na ginagawang aksyon
para kumonti ang Carbon Dioxide o ang
mga Greenhouse Gases sa atmosphere. Bumababa ang mga gases sa dagat pero dahil
sa dami ng Greenhouse Gases hindi rin makayanan, kaya ang epekto nito ay unti-unti ring umiinit
ang karagatan.
LUCY: Ano ang
pinagmumulan ng pagiinit ng mundo?
KAKA: Ayon sa mga
eksperto, ang ating kalawakan ay maihahambing sa “greenhouse” o bahay taniman
na gawa sa mga plastik o salamin. Habang nakakapasok ang araw, nakukulong naman
ang init at nagiging sapat ang temperatura sa loob para sa pagtubo ng halaman.
Sa planeta natin ang “greenhouse gases” ang nagsisilbing salamin o plastik.
Kaya lang, kapag lubos na dumami ang mga ito, lubos din ang pag-init ng
temperatura sa mundo.
Una dito ang carbon dioxide, na bumubuo ng
55% ng lahat ng greenhouse gases. Pangunahing pinagmumulan nito ang
pagsusunog ng langis, krudo, at uling sa
Industriya at Transportasyon. Galing din ito sa pagsusunog ng gubat, kahoy at
iba pang panggatong.
Pangalawa ang Chlorofluorocarbons o CFC na
binubuo ng 24% ng lahat ng greenhouses gases. Ito ay ay mga kemikal na likha ng
tao at ginagamit sa pagpapatakbo ng refrigerator at aircon, paglikha ng
styrofoams at iba pa.
Pangtalo naman ang Methane na nagdadagdag ng
15% ng greenhouse gases at nagmumula sa gawaing agrikultura tulad ng palayan at
tubigan, at sa pagtunaw ng pagkain sa bituka ng baka. Nagmumula din ito sa mga
nabubulok na basura at dumi na nakukulob.
Kung kaya sa mga nakalipas na mga panahon ang
climate change o pagbabago ng klima ay tinatalakay na rin hindi lang ng mga siyantipiko, pinag-uusapan na din ito
sa United Nation o bangsang nagkakaisa.
Alam ba ninyo na may malaking papel o role na
ginagampanan ang ating mga kagubatan?
Yes, ang kagubatan ang itinuturing na
absorber o cooling system ng mundo,
dahil may kakayahan siyang sipsipin ang mga carbon dioxide na nagmumula
sa mga sasakyan at paktorya ng lipunan at maaari niyang mabawasan ang dami ng
gas sa ating himpapawid. Subalit dahil
na rin sa malawakang pagkasira ng ating mga kagubatan, nawawala rin ang
kakayahan ng kalikasan na higupin ang dumaraming carbon dioxide sa kalawakan.
Ayon sa Palawan Conservation Corps (PCC) na
lumikha ng librong Punla at KaLipunan ng Impormasyon ukol sa Mundo at Atmospera
(KLIMA) lubhang napakalaki ng papel ng kagubatan sa pagsugpo sa pagbabago ng
klima at sa mga nakaambang panganib o dulot nito. May dalawang bagay na
nagpapakita na malaking kaugnayan sa pagbabago ng klima at pagkasira ng
kagubatan.
Una, ang pagsusunog ng puno (gaya ng kaingin)
at tanim ay nakakadagdag ng carbon dioxide sa kalawakan. Gaya ng langis at
krudo, ang elementong karbon na nakaipon sa mga sanga at dahon ng punongkahoy
ay nagiging gas kapag sinunog.
Pangalawa, maaaring mabawasan ang tinatawag
nating samut-saring buhay o biodiversity kapag nagbago ang klima ng mundo.
Ano ang dapat gawin para mapigil ang
pagbabago ng klima?
Ayon sa mga eksperto ganito ang dapat gagawin
:
·
Huwag hayaan ang mga kasangkapan o ang mga ilaw na nakabukas kung
hindi na ginagamit;
·
Alisin ang charger ng Cellphone at kuneksiyon ng telebisyon kung
tapos ng gamitin (sapagkat nakapagkokonsumo ito ng maliit na daloy ng
kuryente);
·
Lumakad lang kung malapit ang pupuntahan at huwag ng sumakay pa;
·
Gumamit ng bisekleta;
·
Mag-recycle ng mga basurang pwede pang magamit;
·
Magtanin ng puno sa ating bakuran; at
·
Iwasang magsunog ng basura gaya ng tuyong dahon at plastik.
Nasa ating mga kamay ang kaligtasan ng ating
kagubatan o kasagutan para harapin ang hamong ito na tayo rin ang lumikha,
hindi pa huli ang lahat para ito ay harapin at masolusyunan. Magkapit-bisig na
tugunan ang lumalalang usapin ng pagbabago ng klima at patuloy na pag-iinit ng
ating mundo. Magtanim ng mga punong kahoy.
LUCY: Maraming salamat Kaka, Alih, na
napapanahon na usaping iyang ang global warming. Kaibigan Bukas muling abangan
ang ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.)
(PLAY EXTRO Gabay at Talakayang Pampamilya.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento