Martes, Hulyo 2, 2013

“Ang Taong may Pangangalaga sa Kalikasan (environmental protection) ay may Kinabukasan”

(July 4, 2013-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)

Magtanim ng mga puno
Host/ Lucy:  “May kasabihan tayong mga Pinoy na Ang Taong may Pangangalaga sa Kalikasan   ay may Kinabukasan”, at iyan din ang topic na  ating tatalakayin ngayong umaga sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya sa ating programang buhay-buhay… at of course makakasama natin ang nakaka… na kapatid na  Bangsamoro, si Kaka Ali.

(PLAY INTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)

Kaka Alih:  Assallamu alaikum warahmatullahi  wabarakatuh.. good morning to all listeners, and even yaon hindi nakikinig sa sariling radio, dahil sa kapit bahay lang nakiki-share..(LAUGHING)  ngayon umaga ay muli nating tutukan o  ipagpapatuloy   ang usapin tungkol sa kalikasan o itong nasa ating kapaligiran.

Alam ninyo  mga kapatid na  maaga  pa ay  naka-volume na ang mga transistor radio o tv, para sa ating community radio DXUP FM, o ngayon a teleradyo na, dahil  may radio  na may tv pa (hindi TB na tuberculosis ha?-(LAUGHING).   

Para sa ating community radio at TV,  napakahalaga ang mga isyung pangkalikasan,  na karaniwannamang  hindi nabibigyang-pansin ng  ibang  media outlet at   hindi rin nabibigyan pansin ng karamihan sa opisyal ng  gobyerno,  ng mga eskwelahan o ng akademya, maliban na lang kung may trahedyang naganap at saka lang sila nagsasalita at gumagalaw.. o di  ba? (LAUGHING)

Bakit?  Dahil ba wala silang pakialam o dahil hindi nila alam ang isyu. Ang tanong,  bakit wala silang interes dito?
Kong minsan nga ay nagtataka tayo, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan naman sa paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura, at ang sabi pa  ni Maam, “itapon sa basurahan”, kaya lang,  ang tanong tama ba ang pagtatapon natin noon ng basura?... na itapon sa dumping pit ang ating mga basura?.

Subalit ngayon,  segregated na ang pagtatapon ng mga basura,   ito ay hiwa-hiwalay na,  ang nabubulok sa hindi nabubulok.   Ngunit nang lumaki na tayo, nalimutan na ito. Kung saan-saan na natin itinatapon ang basura., na pinadidirihan naman natin pag may basurang nagakalat o nagtamabakan. Yes, pinadidirihan natin ang basura,  halimbawa ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad na pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, namang ilagay sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan at doon ilagay o itapon.

Sa ating bayan ng Upi, isang panibagong karanasan ang ating  natutunan, ito ay ng ilunsad ng LGU Upi ang   Ordinance #3 o COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT.  May nagmamasid o nangangalaga na opisina ang mga kawani,  nandiyan ang mga Enforcers, andiyan ang street sweepers at garbage technicians,  sila ay araw-araw na ginawa ng Diyos   na nagbabantay, nagwawalis at humahakot ng basura.

Ngunit  kahit marahil   araw-araw, 365 araw bawat taon, 7 araw bawat linggo, sa ating bayan, hindi pa rin ito mauubos, yes I know, but for sure  unti-unti itong mababawasan. Alam nyo ba kung bakit? Dahil habang nililinis natin ang kapaligiran, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatapon ng basura ng marami kong saan-saan.  Habang nagbabawas tayo, makailang beses ang nadadagdag.. Dapat mapigilan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, tulad ng eco-mercials (ecology commercials), pagbibigay ng mga information sa tulong ng media, forum, maging bahagi ng moral values development ng ating mga paaralan,  edukasyon sa bawat barangay, atbp.

Alam mo ban a dahil sa pagdalo ko sa forum na isinagawa ng LGU Upi, sa pangunguna ng ESWM, na isa sa mga natutunan ko    doon    na bawal magsunog ng basura dahil nagdudulot ito ng sakit at pagkawasak ng kalikasan.

Bilang nagsisimulang  manunulat sa isang sa blog (salamat sa MindaNews sa seminar sa amin ng Grassroots Journalism) at bilang media man, naipangako ko sa sarili na ipinalaganap ko sa iba’t ibang komunidad lalo na sa Upi na bawal magsunog ng basura.
At alam mo ba Lucy?

LUCY: Hindi ko pa  yan alam  Kaka…(LAUGHING)

Kaka Alih:  Aba’y marami ang tumalima, nakikinig at di  ko lang alam kong maging bahagi na ng kanilang buhay na isagawa ang pangangalaga sa kalikasan. Marami na sa kanila ang di na nagsusunog ng basura. Kaya napakahalaga ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalikasan.

“Dapat ang pagbibigay ng information ng LGU Upi ay  tuloy-tuloy at iba pang samahang makakalikasan upang tuluy-tuloy ang pangangalaga sa ating kapaligiran”. Mungkahi ng isang kaibigang maestro.


Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.“Ang Taong may Pangangalaga sa Kalikasan (environmental protection) ay may Kinabukasan”

Sa kasalukuyan, laganap sa mundo ang sistema ng kalakalan, kung saan nagbebentahan ng iba’t ibang produkto o serbisyo ang iba’t ibang tao, samahan o maging bansa, para sila tumubo. Sa kalakalang ito, malaki ang papel ng kalikasan. Paano? Ang komposisyon ng lahat ng kalakal sa daigdig ay mula sa dalawang elemento :

1. Ang materyal na galing sa kalikasan,
2. At ang paggawang galing sa tao. Sa pangkalahatan, ang unamateryal na galing sa kalikasan ay libre at walang “halaga sa pera”. Ang ikalawapaggawang galing sa tao ay may “bayad” at ito ang nagbibigay ng halaga sa mga kalakal. Magbigay
Ok  para maintindihan, magbigay tayo ng mga halimbawa.:

Ang isda na galing sa dagat ay libre. Ang binayaran ay ang paggagawa ng mga  mangingisda. Ang kahoy na ginamit sa bangka ay libre galing sa gubat. Ang binayaran ay ang paggawa nang pumutol ng kahoy at gumawa ng bangka. Kaya’t papasok sa presyo ng isda hindi lang ang paggawa ng mangingisda kundi ang porsyon ng paggawang nagamit para sa kanyang mga kasangkapan sa pangingisda.

Libre ang materyales ng dyamante na walang sangkap ng paggawa ng tao. Ang binayaran ay ang paggawa at panahon ng minero para hanapin ito at hukayin sa kailaliman ng lupa, at ang paggawang nakapaloob sa mga kasangkapan at prosesong ginamit sa dyamante. Halimbawa, kung ginamitan ito ng makinarya, ang binarayan sa makinarya ay ang paggawa nito at hindi ang mga sangkap ng bakal na hindi gawa ng taoat galing sa kalikasan sa kanyang natural na porma. Kung ginamitan ng kemikal ang paglinang ng dyamante, ang binayaran ay ang paggamit ng kemikal at hindi ang sangkap na galing sa kalikasan.

Isa pang halimbawa ang mineral water. Libre ang inuming tubig mula sa kalikasan, ngunit kapag inilagay na ito sa boteng plastik at inilako na, ito’y may bayad. Ang binayaran dito ay ang paggawa, mula sa pagkuha ng tubig sa kalikasan, transportasyon, proseso at paglalagay sa boteng plastik, at ang paglalako ng mineral water.

Sa madaling salita, anumang mula sa kalikasan na ginagamit natin ngayon at binabayaran ay dahil sa paggawa ng tao. Ang ginawa ng tao, sa proseso ng produksyon, ay baguhin ang porma ng materyales na galing sa kalikasan at gawin itong produktong may kabuluhan sa pamamagitan ng paggawa.

Kaya kung aanalisahin natin ang materyales mula sa kalikasan, ang matitirang laman ng kalakal ay ang paggawa ng tao. Kaya napakahalaga ng manggagawa sa pag-iral ng ating lipunan ngayon. Sila ang bumubuhay sa lipunan. Sinasabi nga sa Konstitusyon, ang manggagawa ang pangunahing pwersa sa ekonomya ng bansa.

Ngunit dapat nating bigyang diin na hindi ang paggawa ang dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan, kundi ang pagkuha ng materyales mula sa kalikasan upang pagtubuan at pagkakitaan.

At dahil ang Kalikasan at ang Pag-gawa ang dalawang kambal na elemento na nagpapatakbo sa lipunan, dapat na kilalanin ng mga environmental advocates ang mga manggagawa at ang paggawa, gayundin ang mga manggagawa ay kilalanin ang kahalagahan ng kalikasan at ng mga nangangampanya para protektahan ito.

Hindi sapat na maunawaan lang  natin kung paano nasisira ang kalikasan.

Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan.

Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na. pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok.

Kung ang lahat ng ito ay hindi pala makukuha sa isang tulugan lamang.    Dapat ang pakikibaka ay tuloy-tuloy, di dapat kalimutan,  ang ganitong mga adhikain  ay hindi isang piknik.

Ang pag-aaral hinggil sa proteksyon ng kalikasan ay hindi katulad ng  pagbabasa ng komiks pag-open ng inyong facebook account lamang. Dapat itong  isa-puso at  isa-isip at isa-gawa.

Ang   mensahe ng taong may pangangalaga sa kalikasan :
Magtanim ng mga puno

“Pinangangalagaan natin ang kalikasan upang matamasa ng lahat at nang susunod na mga henerasyon ang yaman at biyaya nito. Hahadlangan natin ang pamiminsla sa kalikasan. Mapagpasya tayong kikilos upang protektahan ang ating mayamang sistemang ekolohikal mula sa labis na pagsasamantala at pagwasak laluna ng dambuhalang mga komersyal na interes, dayuhan at lokal. Lilimitahan natin nang husto ang komersyal na pagmimina, pagtotroso at pangingisda at itutuon ang mga ito sa aktwal na pangangailangan ng pag-unlad ng bansa. Mag-aambag tayo sa paglutas sa suliranin ng pag-init ng mundo na umabot na sa kritikal na antas. Sisikapin nating mapaunlad ang kapasidad ng bayan sa pagtuklas at paggamit nang malinis at di nasasaid na enerhiya. Titiyakin natin na ang mga aktibidad ng tao ay di nakapipinsala sa kalikasan at kapaligiran.”

Kaibigan, makiisa at tumulong sa pangangalaga sa kalikasan, dahil ang taong may pangangalaga ng kalikasan ay may magandang kinabukasan.

Ito ang inyong kapatid na Iranun na Bangsamoro, at inyong segment writer sa Gabay at Talakayang Pampamilya.. Kaka Ali, Wassallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

LUCY: Maramaing salamat Kaka, sa napakagandang  kaalaman na  yan, na iyong ibinahagi, kaya  mga giliw naming tagapakinig, abangan bukas ang segment ni ni Kaka Ali na Gabay at Talakayang Pampamilya, dahil tiyak marami kayong mapupulot na aral at impormasyon.


(PLAY-EXTRO- Gabay at Talakayang Pampamilya)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento