(July 9, 2013 -Martes- Script na sinulat ni
Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment
na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host: Lucy Duce)
"Theft
din na maituturing ang pagpasok sa bakuran ng ibang tao para kumuha ng prutas o kahit pagkuha ng siling labuyo" |
Host/Lucy: Kapag narinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang
pumapasok sa isip natin — ang pagkuha ng
gamit ng iba na walang paalam. Pero alam ba ninyo na sa batas, may dalawang
klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na
robbery at theft?
Para lalo pa ninyong maintintihan, ang kaibhan ng theft and
robbery, makinig kay Kaka Ali, dahil usaping pagnanakaw ang tatalakayin sa
ating segment na:
Alam mo kaibigan, tama
si Lucy,
na: “kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw,
isa lang pumapasok sa isip natin ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba na walang
paalam o kaya ay puwershang pagkuha ng ibang gamit . Tulad ng sinabi niya
na may dalawang klase nang pagnanakaw
ito ang tinatawag na “robbery at theft”.
Kaka Alih: Kapatid na Lucy, matatawag na robbery, ang kaso kapag ang taong gusto mapasa-kanya (intent to gain) ang bagay na
pagmamay-ari ng iba ay kinuha ito (taking
of personal property) sa pamamagitan dahas (violence) o pananakot (intimidation)
o pwersa sa isang bagay (force upon
things).
At ito ang pakatandaan
mo Kaibigan, na mataas ang parusa ng
kasong robbery kung ito ay may kasamang pagpatay (homicide), pananakit (physical
injuries), at panggagahasa (rape).
Tinatawag din na robbery
ang kaso kapag ang pagpasok sa
isang bahay o establisimento sa
pamamagitaan ng pagdaan sa butas o bintana, bukod sa pintuan (through an opening not intended for entrance
or egress); pagsira ng dingding,
bubong, sahig o pintuan; paggamit ng false key, picklocks o kahalintulad na
gamit at pag-gamit ng gawa-gawang
pangalan o pagkukunwaring otoridad.
Pagnanakaw o robbery ring maituturing ang pagnanakaw sa
pamamagitan ng pagsira ng nakakandadong aparador o baul
o ano mang lalagyan na nakasara o nakakandado.
Host/Lucy: Kaka Alih, ang pagkuha ng pera ni Mrs sa bulsa o pitaka ni Mr
na hindi pinapaalam, anong tawag doon na kaso? (LAUGHING)
Kaka Alih: Ang tawag doon ay “dala adat nin” (LAUGHING) Yes, walang respeto.. sa kanya naman yun
bakit kailangan pang kunin na di nagpapaalam sa Mr… Sabagay may mga Mister na
talagang makunat.. o talangang itinatago
yun dahil may pinaglalaanan na
iba, na secret.. (LAUGHING)
Host/Lucy: Ano naman ang tinatawag na
kasong theft ?
Sa madaling paliwanag pare ko, sa robbery, ang magnanakaw ay gumamit ng dahas, pananakot
o pwersa sa isang bagay, samantalang ang kasong theft ay simpleng pagkuha ng
bagay na walang paalam sa may-ari na may “intent to gain” o pagnanais na
mapasakanya katulad ng pagkuha mo sa pera sa bulsa ng mister mo, o pagsungkit
ng butong ng kapit-bahay habang wala sila.. (LAUGHING)
Alam mo ba Lucy, na
ayon sa pagtatanong ko sa mga estudyante o law student ayon daw sa libro, na theft din maituturing ang hindi pagsauli
ng mga bagay na napulot sa tunay nitong may-ari nito?
Ang tamang proseso dito ay
ipalalathala sa publiko sa pamamagitan
ng media o paglagay ng patalastas sa mga mataong lugar.
Sa mga Masjid at simbahan usually may mga lost &
found na lalagyan. At dito Sa DXUP FM
bagsakan ito ng lost & found item..kaya naman si Nancy ang assigned sa Lost
and found, kong mayroon kayong
hinahanap na nawawala subukan ninyong
makipag-ugnayan sa kanya, baka andito sa karton-karton na bagay na dinala dito,
8 years ago na ang iba dito.
Alam mo Lucy, ayon sa batas, kung wala pa ring umangkin sa loob ng anim na buwan, ang standard o
sinasabi ng batas ang
paghihintay, at kong wala ng kumuha may karapatan na ang nakakita o ibibigay na ito sa nakakita.
Ngayon hindi mo ito
sinunod at nakita ng may-ari sa kustodiya mo ang bagay na nawala, maari kang
kasuhan ng theft.
Alam mo ba Noraalyn, na pagnanakaw na Theft din na maituturing ang
pagpasok sa bakuran ng ibang tao para kumuha ng prutas o kahit pagkuha ng
siling labuyo? .
Host/Lucy: Ha? Ganoon ba Kaka Alih?
Kaka Alih:
Yes!..Kapag nahuli ka ng may-ari at hindi ka patatawarin tiyak may kaso
ka, at kapag nalaman ni Noralyn an g ating police reporter patay kang bata,
headline ka sa police updates. (LAUGHING)
Review sa mga tinuran natin, especially na late tuners
(LAUGHING). Ang pagnanakaw ay pagkuha
ng mga bagay na hindi mo pag-aari ng walang
pag-sang ayon ay nagmamayari. Ang tawag
na nagnakaw ay magnanakaw. Kuha mo? (LAUGHING)
Kapag tinatwag tayong “Magnanakaw Ka!” Ito ay hindi
tinatanggap ng sinuman na may matinong pag-iisip, dahil hindi maganda, sa
paningin, pandinig ng tao, lalo sa sa Poong Maykapal. Pag ito ay ginamit mong
pangtawag sa iyong kaibigan, asahan mong mag-aaway kayo (LAUGHING) Yes kahit totoo na nagnakaw, lalo na sigoro
kong hindi totoo. (LAUGHING).
Subalit ang pangnanakaw ay hindi lamang mga bagay kundi pati ang oras ay hindi mo
pinagsilbihan sa iyong trabo ay pagnanakaw rin.
Payo ng isang retiradong empleyado: “Kung nais mong magtagumpay sa buhay, maging
tapat ka sa iyong trabaho.”
Alam ba ninyo sa mga
pag-aaral (researched) na 40% ng
mga manggagawa ay nagnanakaw sa kanilang trabaho at 20% ay nangangatwirang tama
lang ito?
Narito ang ilan sa
kanilang mga baluktot na katwiran:
·
“Ginagawa
rin ng iba ito, e ‘di gawin ko rin.”
·
“Mayaman
ang kumpanya, hindi ito mapapansin.”
·
“Maliit
na bagay lang ito, hindi mahahalata.”
·
“Maliit
magpasuweldo ang kumpanya, may utang sila sa akin, kinukuha ko lang ang para sa
akin.”
·
“Dapat
lang na gawin ko ito para sa akin, nagtatrabaho ako pero hindi tinataasan ng
suweldo.”
Huwag mong aksayahin ang oras mo sa trabaho sa paggawa ng ibang
bagay pagkat iyan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakawan mo ang iyong kumpanya
ng oras. Huwag kang maging isang masamang tao na madaya kung magtrabaho at
walang kabuluhan ang kanyang mga ginagawa. Isapuso at isabuhay ang prinsipyong
ito:
“Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay” (Biblia sa Akalat
na Kawikaan 11:18).
Alam ba ninyo na ang
lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at
huwag gumawa ng masama. .
Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at
gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng
isang tao.
Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang
pagnanakaw ay isang masamang gawain.
Ang sinumang napatunayan na nagnakaw ay may kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay
ng taong nagnakaw, ito ay base sa Qur’an:
“Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang
kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay
Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain.” (Qur’an 5:38)
Tinanong natin sa ating mga Aleem (maalam) ano ang “wisdom”
ng ganito:
“Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon
ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag
napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing
pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang
mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta Muhammad (SAW) ang tao na
ito ay maaring palagpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay
dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao
upang ito ay hindi na pamarisan.”
Ito ang inyong Kaka Ali, na naghihikayat sa inyong lahat na
alamin at paniwalaan natin an gating relihiyong kinaaniban..na tayo ay mag-pakatotoo..
hanggang sa muli.. sukran (maraming salamat) .
Wassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatuh.
Host/Lucy: Maraming salamat Kaka,
mga giliw naming nakikinig bukas muling abangan an gating segment writer at
producer ng Gabay at Talakayang Pampamilya, na si Kaka Alih, at sinisigorado na
certified na maaaliw kayo at makakakuha ng information.
(PLAY EXTRO: Gabay at
Talakayang Pampamilya)
Pwede po bang magsampa ng kaso ng sabay sabay, Halimbawa po
TumugonBurahinThief, Nullity, at Falsification of Documents. Maraming Salamat po.