(July
15, 2013-Lunes -Ang script na ito ay sinulat ni Alih S. Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa
segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang
host
ay si Ms. Lucy Duce)
LUCY: Ngayong
umaga ay tatalakayin ni Kaka Alih itong lamang ugat at butong gulay, bukod sa
mura na ay masustansiya rin, pakinggan natin ang detalye ng usaping ito, buweno heto na ang ating segment na…
(PLAY-INTRO-USAPING
AGRIKULTURA)
LUCY: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang iyong
umaga? At ano naman ang inyong ibabahagi sa ating madlang nakikinig ngayong
umaga ng Lunes? ,
ALIH: Hahahaha.. Lucy, ano pa nga ba.. gulay pa rin, ang mga gulay na pampapalakas!!!
(LAUGHING)
LUCY: Yes Kaka, kaya naman Ang aking pagbati
ng "happy Ramadan".
Dalug sa Iranun, sa Tagalog Gabi, sa English ay Taro, Sa Teduray ay Ufi or Suli, |
ALIH: Maraming
salamat muli Kapatid na Lucy.
Ang sinabi ni Ms
Martinez, “Ang lamang ugat at butong gulay
ay mayaman sa dietary fiber at maaaring makatulong sa pagpigil ng sakit kagaya
ng diabetes, cancer, sakit sa puso, at baradong ugat. Ito ang natuklasan sa
katatapos na pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute,
Department of Science and Technology (FNRI-DOST), sa pamumuno ni Dr. Trinidad
P. Trinidad, Scientist II ng FNRI-DOST.”
Ang
dietary fiber ay makukuha sa pagkaing gulay, prutas, butil ng bigas at mais,
lamang ugat, at butong gulay. May dalawang klase ng dietary fiber; ang natutunaw
o soluble dietary fiber at ang di natutunaw o insoluble dietary fiber. Ang
soluble dietary fiber ay nag-aakit ng sebo, taba, at tubig. Nagbibigay ito ng
dulas sa paglabas ng dumi. Ang insoluble dietary fiber naman ay maihahalintulad
sa espongha na dumadaloy sa ating bituka. Ang mga hibla nito ay siyang
nagwawalis ng dumi papalabas sa katawan.
Sa
kabuuan ang dietary fiber ay tumutulong na mapabuti ang panunaw, maiwasan ang
pagtitibi, mailabas ng regular ang dumi ng katawan, at mapababa ang cholesterol
at asukal sa ating dugo.
Anim
(6) na lamang ugat ang pinag-aralan nila
Dr. Trinidad. Kabilang dito ang ubi, gabi, tugi, patatas, kamote, at kamoteng kahoy.
Sampung
(10) butong gulay din ang pinag-aralan. Ang mga ito ay munggo, utaw o soy
beans, mani, sitao, paayap, garbansos, gisantes, patani, abitsuwelas na pula o
kidney beans, at kadyos.
Ang mga nabanggit na lamang ugat at butong
gulay ay pangkaraniwang mabibili sa pamilihang bayan.
Bago
sinuri ang dietary fiber ng bawat lamang ugat, ito ay pinakuluan at pinatuyo sa
mababang temperatura. Samantala, ang butong gulay naman ay binabad sa tubig
nang magdamag. Kinabukasan, ito ay pinakuluan at pinatuyo sa mababang
temperatura.
Ayon
sa pagsusuri Dr. Trinidad P. Trinidad, ang 40-73% ng total dietary fiber ng
lamang ugat ay insoluble, samantala 27-60% ay soluble. Sa butong gulay naman,
83-99% ng total dietary fiber ay insoluble at 1-17% ay soluble.
Base
sa resulta ng pag-aaral tinitiyak ni Dr. Trinidad na ang lamang ugat at butong
gulay ay mayaman sa dietary fiber. At ang mga ito ay makakatulong sa maayos na
pangangatawan.
Sa mga nabanggit natin, ano ang uunahin natin na itanim Lucy, este
pag-usapan?
LUCY: Ay
suggest Ang gabi, unahin mo Kaka, dahil ang
kamote ay una mo nang natalakay.
KAKA
ALIH: Ok approved kasamang Lucy, ang gabi o gabe scientific name
is Colocasia esculenta; in Ingles it is
called as taro, in Hindi called
arvi, sa Iranun Bangsamoro ay
dalog, suli sa Maguindanawon, Sa Teduray naman ay Ufi at dalog ang nagagapang which suli sa iranun
samantala “gandus,” naman sa Kapampangan.
Ang gabi ay isang
maharinang halamang-ugat. Kulay kayumanggi ang mga ugat na ito at
sali-salimuot. Mainam na lutuin ang mga ito na hinahaluan ng katas ng limon
upang mabawasan ang paninikit..
Ang gabi ay ang ugat,
stem at pati dahon at ang ginugulay ditto,
but ang ugat nito ay pwedeng pamalit o alalay sa kanin, dahil kulang ang budget
natin.
Sa pagtatanim, madali
lang naman, ang gabi ay mabubuhay sa basakan
o mabasang lupa, pwede di sa
kataasan, basta palaging may ulan o may irrigation, tulad nga ng lupa sa Upi.
Sa experience ko
magandang itanong sa may palaging tubig, medaling bunotin.
Sa maliitan na
pagtatanim, pwede sa mga paso, lalo na walang espasyo o garden area.
Sukran si Kaka Alih po to
wassallam..
LUCY: Iyan
si kaka Alih bukas sa ganito ding oras abangan ang mga kapakipakinabang na
ibabahgi sa inyo tungkol sa makabago at epektibong pagksasaka..
(PLAY
EXTRO)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento