Gumaga- Pasawiran Kalilang |
(July 11, 2013- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang
“Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang
Pampamilya”. Host –Ms Lucy Duce)
Host:
“Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay
mag-asawa ng maaga. Mayroon namang
magulang na sila pa ang nag-aaarange ng maagang pag-aasawa ng kanilang mga
anak. Bakit kaya may mga magulang ayaw
na mag-asawa ng maaga ang kanilang
anak? Iyan ang sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na
(PARENTHOOD- INTRO)
Host :
Good morning Kaka. Pabor ka ba sa
maagang pag-aasawa ang iyong anak?
Kaka Ali:
“Ako? Pabor sa maagang pag-aasawa? Kong ako ang ikakasal yes na yes…Nor .(LAUGHING).. pabor o hindi my greeting
of peace to all.. Assalamu alaikum warahamatullahi wabarakatuh.. sa lahat ng
kapatid na Muslim, Good morning o magandang umaga naman sa lahat.
Alih and Samra wedding |
Host:
Kaka repeat ko lang tanong ko, pabor ka? Akala ko experience magulang ka
na, please Explain daw para hindi Malabo, ang usapan….(LAUGHING)
Kaka Alih: Mamaya na Lucy kong bakit, ….(LAUGHING)..alam mo Lucy ang issue
dito ay magulang. Alam mo Lucy, ang mga
magulang na tulad mo, tulad ko, hanggat maari ayaw natin na ang ating mga anak ay mag-asawa ng maaga.
Host: Bakit nga ba Kaka Alih? Please pakipaliwanag
mo sa madlang nakikinig ngayon umaga, bakit may mga magulang na ayaw nilang mag-asawa ng
maaaga ang kanilang mga anak .
Kaka Ali: “Wala na akong mauutusan” …(LAUGHING) heto ang sagot
ng isang magulang na hindi pinapag-aral ang anak.
Pero heto naman
ang sagot ng isang Nanay na nainterview natin, ang tanong
ko ay: Mrs. Payag ka bang mag-asawa ng maaga ang iyong anak? Ang sagot niya ay:
“Payag akong makapag-asawa ang mga anak ko, provided makatapos na sila sa pag-aaral”.
Tama! Aral muna
bago magpamilya.. Bakit?...Dahil bilang mga magulang alam natin ang hirap at
sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak.
Alam ng mga
magulang na ito o sadyang naranasan nila
ang bunga ng maagang pag-aasawa.
Ikaw kaibigan pabor ka ba sa
maagang pag-aasawa?
Mamaya muna
sagutin, makinig na lang muna sa amin.. ….(LAUGHING)
Balikan ko lang
ang tanong mo Lucy, ang tanong ay kong
pabor ba daw akong mag-asawa ng maaga. Ang sagot ko ay YES pabor ako…. kong ako
ang ikakasal. …(LAUGHING).. Ang
problema, pwede pa ba akong bumalik sa pagkabata? ….(LAUGHING)
Ang sarap
yata noon ….(LAUGHING) ayaw mo ba ng masarap? ….(LAUGHING) Halos lahat gusto ng masarap pero ako ay
naniniwala na walang gusto ng hirap, alam ko din na ang gusto natin ay pawAng
ligaya at sarap. …(LAUGHING).. Nakalimutan na natin ang kasabihang na “Konting ligaya, sa habang buhay na
pagdurusa”.. ….(LAUGHING)
Alam mo Lucy, ang ating mga kabataan sa ngayon ay iilan
lamang ang nakakaalam sa tunay na layunin kong bakit tayo nag-aasawa.
HOST:
Tama ka diyan Kaka Alih, iyan din ang
aking paniniwala
.
ALIH: Mga anak, makinig kayo, ang
sabi ni Father: “…ang pag-aasawa ay sagrado, hindi bahay-bahayan.”
Karamihan sa mga
murang edad tulad ko noon, limampung taon na ang nakakaaraan, …(LAUGHING) ay sex lamang ang unang
hangad kong bakit nag-asawa ng maaga, hindi ang pagpapamilya. …(LAUGHING)
No joke Lucy,
karamihan sa mga kabataan ay mahina ang “resistansya” sa paglaban sa udyok ng
tawag ng kalikasan o yaong tinatawag nilang “sex”. Ang iniisip nila ay ang
dulot na sandaling ligaya, hindi pa halos
malirip sa murang isipan ang
maaring idudulot ng maagang pag-aasawa o bata pa ay hirap at pagdurusa habang
buhay..
Host:
Bakit Kaka Ali ano ba ang negatibong epekto ng maaga o bata pa ay
nag-aasawa na?
Abdullah Sumael-Sittie Raysa Anso Kalilang |
Kaka Alih:
Negatibo? Akala ko ang gusto mong malaman ay ang positive effect. (LAUGHING)..
Noon kasi may
mga magulang na maaga nilang pag-aasawahin ang anak, para daw may apo na sila
…(LAUGHING).. sabi nila: bago man ako bawian ng buhay, makita ko ang apo ko,
kaya anak mag-asawa ka na. …(LAUGHING)..
Buweno heto na
ang research ni Kaka Ali, sa bunga o
epekto ng maaagang pag-aasawa o bata pa
ay nagkakapamilya na.
Una, pag bata pa
ang babae ay nag-asawa na at natural magbubuntis at pag nagbuntis, siyempre
manganganak, Maalaala ang sinabi na maam Jackie Gamit, “dahil dito maaring
hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at
maraming dugo ang mawawala sa kanya, at maari niya itong ikamatay, o di man
ikamatay ay manghihina na ang kanyang katawan, na sanhi na madali siyang
kapitan ng sakit.”.. O ano gusto mong mabalo ng bata pa?
Pangalawa na
nalaman ko, pag bata pa pareho ang mag-asawa, madalas ang kanilang pag-aaway at
pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni babae at ni
lalaki ay bahay-bahayan lang.
Ting /Adi !!may
kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay
napaso ay pwede mong iluwa. …(LAUGHING)
Heto pa ang
negatibong epekto ng maagang pag-aasawa. Magiging kawawa ang mga magulang, ng
mga anak na maagang nag-aasawa, dahil
natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapuwa,
walang pang hanap-buhay.
Kaya naman Ting,
Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng
pag-aaral bago mag-asawa.
Kung
mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Hirap ang
daranasin.mo Day! Ikaw na ang
mag-lalaba, ikaw na ang magluluto, ikaw na ang maghahanap ng inyong kabuhayan,
lahat-lahat kayo na dahil isang pamilya na kayo at hindi lang kayo ang mahihirapan kundi pati mga anak ninyo,
wala silang kakainin. Papaano sila mag-aaral?. Hindi maibigay ang
pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.
Sabagay Lucy, sa
kabilang banda, may maganda rin namang bunga ang maagang pag-aasawa, dahil parang makakasabayan lang nila ang
paglaki ng kanilang anak, para ka na rin may kapatid, na bunso …(LAUGHING)
Bweno hanggang
dito na lamang ang talakayan at
mag-aasawa na ako .. …(LAUGHING) ano ba ito, nagkamali-mali na tayo.. mga
kapatid bago natin wakasan ang segment na ito ay mag-iiwan muna ako ng mensahe sa mga
magulang na tulad ko:
“Mga kapatid na
magulang huwag pabayaan ang inyong mga anak, ilayo sila sa tukso, sa tawag ng
laman, gabayan sila ng tamang landas, ituro sa kanila ang tamang sex education,
iparamdam sa kanila ang tunay na pagmamahal ng magulang. Bigyan ng inyong
panahon ang inyong mga anak, hindi yaong pawang trabaho lamang.”
Sukran o
maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating
programang buhay-buhay, wasallamu
alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Host: Maraming salamat Kaka Alih, sa very informative at
nakakaaliw na presentation na yan, Kapatid abangan ang susunod na segment, ng ating
Gabay
at Talakayang Pampamilya..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento