Huwebes, Hulyo 25, 2013

Kamantis o Kamatis ay Pampagana?

(July 26,  2013-Biyernes - Ang script na ito ay  sinulat ni Alih S.  Anso para sa Usaping Agrikultura, isa sa segment o bahagi ng programang Bantay Bayan (5:00-6:30 umaga-Lunes Sabado) , ang   host ay si Ms. Lucy Duce.

kamatis, sa Iranun ay kamantis,
sa Teduray ay kamangkis
LUCY:  Ngayong umaga,  ay muling mag-gu-Gulay ang ating magsasaka ng DXUP na si  Kaka Alih,   ano naman kayang gulay ang itatanim niya ngayong umaga, ano mang gulay yan,   sinigorado naming sa inyo Kaibigan,   na gulay     na pampalakas, at nagbibigay sigla sa katawan ng tao.  
                            
(PLAY-INTRO-USAPING AGRIKULTURA)

LUCY:   Magandang umaga Kaka Alih, kumustahan muna tayo bago ka pa magtanim, kumusta?

ALIH:   Its fine Lucy, everything is under control. (PLAY LAUGHING) .Hahahaha..     at tulad ng tinuran mo, mag-gugulay pa rin ako ngayong umaga, hanggang makumpleto ko ang   (sing song bahay kubo) bahay kubo.(PLAY LAUGHING) but kaibigan please huwag mata-matain ang gulay ha? , ano mang gulay ay pampapalakas dahil   maraming sustansiya!!! Di ba Lucy?

LUCY:   Tama!!!! At  huwag nilang  kalimutan Kaka ang payo ni Doctor  Willie Ong, na kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw,  kong gusto mong humaba ang iyong buhay.

ALIH:  Tama!  But before anything  else Lucy eh, allow me to greet everybody,     with sweet “Good morning, ladies and gentlemen” in Filipino ay… magandang umaga mga kababayan ko… of course most .especially to all   mga kapatid na magsasaka.  And because it sis month of Ramadan ang buwan ng pagpuwasa o pag-aayunong  mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o ang mga kapatid na Muslim,  my greetings ng: asssallamu alaikum warahamatulahi wabarakatuh.

Ngayon ay ika labing pitong   (18)   araw  ng Ramadan, ang buwan  ng pag-pupuwasa o pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim,  and because of that ay  Happy Ramadan to all brothers and sisters in Islam.

LUCY:   Ang akin ding   pagbati ng  "happy Ramadan" sa inyo Kaka at sa lahat ng kapatid na Muslim.

ALIH: Maraming salamat muli Kapatid na Lucy.
 Now my friend,  pupunta na tayo sa bukid, samahan ninyo ako dahil ang idemo este tatalakayin ko ay ito naman  Kamatis  na ang sabi ng nila ay gulay ang sabi naman ng iba ay prutas.

Sa lahat ng dako ng Pilipinas, ang kamatis ay itinatanim para sa pansariling konsumo sa bahay at pambenta. Isa itong pangunahing sangkap sa ensalada at makakain nang hilaw, nilaga, prito at magagawa rin atsara, ketsup at sopas.

Para sa hindi nakakakilala ng Kamatis. Our English people, they call it tomatoe, kong isa lang tomatoes kong isang basket.. hindi kong dalawa o tatlo, plural…(LAUGHING)  Kamangkis sa Teduray, sa aming mga Iranun ay tinatawag naming ito na kamantis. Kamatis, kamangkis, kamantis, talagang magkakapatid ang mga tribung ito, halos pareho lang ang tawag..

Ang kamatis ay   isang uri ng halaman o bunga nito na kulay lunti kung hilaw, subalit nagiging dilaw hanggang pula kung hinog na.

Maraming nagsasabi na gulay daw ang kamatis, mali po, dahil ang totoo, prutas  ito!  Di ba may kasabihan na kaya siya napilayan dahil umakyat sa puno ng kamatis? (LAUGHING)

Maraming mga magagandang benepisyo sa pag-kain ng kamatis. Ang maramihang pag-kain ng kamatis ay nakakaganda sa kutis at kulay ng balat. Hindi minsanan, ibig sabihin regular, araw-araw.

Ang kamatis ay blood purifier din daw. May  kakayahan itong linisin ang ating dugo nang sa gayon ay pwedeng maiwasan ang iba't ibang uri ng sakit.

Ang  kamatis ay maganda para sa ating atay at bituka, kaya ang palagiang pag-kain nito ay maganda para maiwasan ang pagkakaroon ng cirrhosis at kidney stones dahil sa taglay nitong oxalic acid na mainam para sa katawan ng tao.

Ang kamatis ay may Lycopene, na siyang nagpapakulay ng pula sa kamatis, ito ay maganda para sa puso ng tao at nilalabanan at pinipigilan ang sobrang bilis na pagdami ng lahat ng uri ng mga cancer cells sa tao. Ilan sa mga kanser na kayang labanan ng pag-kain ng kamatis ay ang mga sumusunod: prostate cancer, cervical cancer, cancer of the stomach, rectum, pharynx at oesophageal cancers.

May taglay din na Vitamin K ang kamatis kaya makaktulong ito na na makakaiwas tayo pagkakaroon ng hemorrhages.

Ang mga lipids na taglay ng kamatis ay syang sumisipsip sa mga mantika, at kolesterol sa ating mga ugat na syang mainam sa pangangalaga ng ating puso.

Merong coumaric acid at chlorogenic acid ang kamatis na syang lumalaban sa mga nitrosamines . Ang nitrosamines ay nakukuha sa paninigarilyo.

Ang kamatis ay may bitamina A na maganda para sa ating paningin. Kaya maiiwasan ang paglabo ng mga mata, pagkabulag, at night blindness.

Ang kamatis ay maganda para sa ating mata, kutis, buhok at ngipin. Pwedeng ipahid ang katas nito sa sun burn para mapabilis ang paghilom nito. Ang palagiang pag-kain ng kamatis ay makakatulong na maprotektahan ang ating kutis sa Ultra violet rays mula sa araw. Katumbas nito ay ang pag-lagay ng sun screen sa ating balat.

Nakakatulong ang kamatis para maiwasan ang pagkakaroon ng Urinary track infections.

Pwedeng isahog sa mga gulay, karne, isda ang kamatis, subalit mas masustansya at puro ang  matatanggap ng katawan natin ang mga sustansyng taglay ng kamatis kung ito ay kakainin natin nang hilaw.

Ako ginagamit kong palaman sa sawsawan, ang sarap. gustong gusto ko ang kamantis, dahil ito ay pampagana sa pagkain.  Ang iba kinakain sa ketsup form na.

Ang iba’t-ibang uri nito ay ang sumusunod: Cambal, Ambal o Matikina, Pear Harbor, Pritch & Rutgers, Homestead, Earliana, Ace, Marglobe at Improved Harbor, ang uring pantag-ulan na pinagbuti ng Bureau of Plant Industry  (BPI).

Ang kamatis ay tumutubo sa maraming uring lupa, mula sa banlikin hanggang sa lagkitin o sa lupang galas. Kailangan nito ang mainit na panahon at maliwanag  na sikat ng araw.

Paraan ng Pagtatanim
·       Ihasik ang mga binhi sa kamang-punlaan.
·       Humigit-kumulang sa ½ hanggang ¾ kilo ng binhi ang kailangan para sa isang ektarya.
·       Gumawa sa kamang-punlaan ng hanay ng mabababaw na tudling na 15 sentimetrong pagitan.
·       Ibudbod ang mga binhi nang manipis at pantay sa kamang-punlaan at saka tabunan ng kaunting lupa.
·       Diligin ito araw-araw.
·       Ilipat-tanim ang mga punla pagkaraan ng 25-30 araw pagkapunla.
·       Ihandang mabuti ang bukid. Itanim ang punla nang 50 sentimertong agwat sa tudling.
·       Diligan ang mga bagong-lipat na tanim.
·       Isagawa ang paghuhulip (muling pagtatanim sa mga tundos na nawala ng tanim) pagkaraan ng isang linggo.
·       Maglagay ng komersyal na abono sa mga tudling bago o kasabay ng pagtatanim. Sa sandaling mamulaklak at lumabas ang mga buko, maglagay ng abonong nitroheno. Kakailangin ang 100-150 kilo ng ammonium sulfate bawat ektarya.

Ang pag-aani ay isinasagawa nang maraming beses. Pinipitas lamang ang mga husto sa gulang na bunga.

Ang karaniwang kulisap na pumipinsala sa kamatis ay ang “tomato fruit worm”, at ang mapaminsalang sakit ay “bacterial wilt”.

Upang masugpo ang mga kulisap at sakit ng kamatis, alisin ang mga may sakit na tanim at ugaliin na lagging malinis ang taniman sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga damo at may pinsalang tanim.

Sa mga pagluluto na gamit ang kamatis , a nana  sa susunod na programa na ninyo aabangan,    sa ating programang  buhay-buhay 8:00-9:00 umaga, sa segment na “recipe of the day”   doon  magluluto ang chef cook  ng DXUP na si Jeanetha.

Ito na naman ang kasangga ng mga magsasaka  si Kaka Alih sukran, maraming salamat… wassallam..

LUCY: Iyan si Kaka Alih, ang kasangga ninyong magsasaka,  muling abangan ang next edition ng ating segment na “usaping agrikultura” sa ating programang bantay bayan,   at titiyakin naming sa inyo na ito ay pakikinabangan ninyo, maging kayo man ay magsasaka o ordinaryong maybahay, dahil sadyang kinalap at tinipon ang mga kaalaman sa mga tanim at hayop, kaya dito lang kayo totok sa ating DXUP Teleradyo….


(PLAY EXTRO)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento